Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpapatawad Para Sa Mga Nakasakit Sa AtinHalimbawa

Forgiving Those Who Wound Us

ARAW 7 NG 7

Pagbubura ng mga Talaan ng Mga Kasalanan/h2>

Araw-araw ay nag-iimbak tayo ng mga karanasan upang maalala natin sa hinaharap—sana upang magalak tayo. Ngunit paminsan may mga hindi magagandang nangyayari na may permanenteng epekto sa ating buhay. Paminsan may nababalda bunga ng maling pagpipili ng ibang tao. Isang nagmamanehong lasing ang maaaring basta na lamang iwan ang pinangyarihan ng salpukan ng mga sasakyan at iwan ang biktimang magkaroon ng permanenteng pisikal o mental na pagkabalda. Malaking kapinsalaan ang maidudulot ng isang tao dahil sa kapabayaan o pagiging makasarili. Paano naman nating magagwang patawarin ang ganyang mga kasalanan?

Kalakip sa pagpapatawad ang sadyang pagbibitaw sa mga masasakit na ginawa at kasalanan ng iba. Pipiliin mong hindi na alalahanin ang mga kasalanan ng iba. Pinapakita ng Awit 103:8-12 ang sadyang pagpapatawad ng Diyos. "Hindi Siya nagtatanim" (bagama't may karapatan Siyang gawin ito), at "Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan." Ito ay isang eternal na distansya; ang dalawang dako ay hindi kailanman nagsasalubong. Sadyang inaalis ng Diyos ang ating mga kasalanan mula sa Kanyang paningin at hindi na inaalala kailanman! Paano natin maisasabuhay ang ganitong pagpapatawad? Tanging ang pag-ibig na dulot sa atin ng Espiritu Santo ang sapat na makakapagbago ng ating mga puso upang magawa nating hindi maging "mapagtanim sa kapwa" (1 Mga Taga-Corinto 13:5). Ang ganitong uri ng pag-ibig ay gawa ng kagandahang-loob ng Diyos sa ating mga puso at dala ng tunay na pagmamahal sa iba.

Napakahirap magpatawad ng iba kung palagi nalang tayong nakatuon sa sarili nating mga paghihirap at kabigatan. Bagkus, isipin na lamang kung paano itinuring ng Diyos ang kasalanan: "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" (Juan 3:16). Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ang dahilan kung bakit isinakripisyo Niya ang Kanyang Anak para sa ating mga kasalanan. Dapat ba tayong magpatawad nang tulad niyan? Oo! Ngunit hindi sa sarili nating lakas! Natural sa ating maalala ang mga pangyayari sa ating buhay. May mga bagay na hindi natin kailanmang kakayaning literal na "malilimutan." Ngunit "nagtatanim" ba tayo dahil sa mga kasalanan ng iba? Ginugunita o sinasariwa ba natin ang mga negatibong detalye tuwing makikita natin ang taong iyon?

Ang maka-Diyos na pagpapatawad ay hindi nagbubura ng ating mga alaala, ngunit pinapahintulutan tayo nitong hindi magtanim sa kapwa at ayusin ang mga napinsalang relasyon. Sa pagdaan ng panahon, at sa tulong ng Espiritu ng Diyos, makikita natin na hahalilihan ng pag-ibig ang ating mga negatibong naiisip at damdamin patungkol sa mga nakasakit sa atin.

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Forgiving Those Who Wound Us

Nagdurusa man tayo ng emosyonal o pisikal na sugat, ang pagpapatawad ay siyang pundasyon ng buhay Cristiano. Nakaranas si Jesu-Cristo ng hindi patas at hindi makatarungang pagtrato, maging ang hindi tamang kamatayan. Ngunit sa Kanyang huling oras, pinatawad Niya ang nanunuyang magnanakaw na nasa kabilang krus at maging ang mga nagparusa sa Kanya.

More

Nais naming pasalamatan si Joni at Friends, International at Tyndale House Publishers, mga lumikha ng Beyond Suffering Bible, sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.beyondsufferingbible.com/