Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)Halimbawa
Day 3: God's Love For The Community
Basahin: Mateo 9:35-38
35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at nayon doon. Nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman. 36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y litung-lito at hindi alam ang gagawin, parang mga tupang walang pastol. 37 Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. 38 Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”
Isipin:
1. Ano ang nagawa na ni Jesus bago ang talatang ito? Isa-isahin ang mga taong kanyang inabot at pinaglingkuran (basahin ang vv 27-34 para malinaw).
2. Habang naglalakbay si Jesus sa mga lungsod at pamayanan, ano ang naramdaman Niya para sa mga taong nakatagpo Niya? Ano ang Kanyang tagubilin sa kanyang mga alagad?
3. Sa anong paraan tayo magkakaroon ng higit na pakikiramay sa mga nangangailangan? Paano tayo mananalangin para magkaroon ng mas maraming manggagawa na maipadala sa bukid ng pag-aani? Higit sa lahat, paano tayo magiging bahagi ng sagot sa panalanging ito?
Isabuhay:
Si Jesus ay palaging nasa kalsada, naglalakbay sa iba't ibang lugar at nakikipag-ugnayan sa iba't ibang tao. Ginawa Niya ito upang maipangaral ang Mabuting Balita at maihayag ang Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapagaling ng iba't ibang karamdaman, pagpapalayas ng masasamang espiritu, at lagi Siyang nandyan para sa mga taong higit na nangangailangan sa Kanya. Inihalimbawa Niya kung ano ang ibig sabihin ng pagtatayo ng komunidad saan man Siya magpunta. Ito ay dapat na maging totoo sa Kanyang mga tagasunod—na tayo ay dapat na tumulong kung saan may nangangailangan ng tulong at maipahayag ang Mabuting Balita ni Cristo.
1. Saan ako inilagay ng Diyos upang maging halimbawa ng Kanyang pag-ibig? (Isipin ang tungkol sa iyong kasalukuyang trabaho, posisyon, impluwensya, at mga relasyon—paano ka magiging mas mahabagin sa mga tao sa paligid mo at makahanap ng mga paraan upang matulungan sila?)
2. Sa paanong paraan ako makakasali sa gawaing pagtubos ng Diyos sa aking sariling komunidad - maging ito man ay sa aking lungsod, lokal na pamahalaan, lugar ng trabaho, o paaralan? May pananampalatayang gagawin ko ang aking bahagi sa pamamagitan ng…
Set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time-bound (SMART) commitments
Halimbawa: “Bilang isang tagasunod ni Cristo, gagawin ko ang aking parte sa pagbabahagi ng pagmamahal ni Jesus sa aking komunidad sa pamamagitan ng pagboboluntaryo sa isang evangelistic feeding program minsan sa isang buwan.”
Ipanalangin:
Manalangin para sa Bansa:
- Manalangin para sa mga mamamayan ng ating bansa— na tayong lahat ay matutong magtiwala sa Diyos nang buong puso at mamuhay bilang madasalin at masunuring mga lalaki at babae ni Cristo. Nawa'y ang bawat Pilipino ay lumapit kay Cristo para sa tunay na kaligtasan at pagbabago.
- Manalangin para sa ating bansa—kabilang ang mga pinuno na kasalukuyang nanunungkulan, upang lahat tayo ay hanapin ang Panginoon at gawin ang Kanyang kalooban sa mga isyu na patuloy na nagiging problema sa ating bansa.
- Manalangin para sa ating mga pinuno sa pulitika, lehislatibo, at hudisyal na itaguyod ang mga aral ng Bibliya at maging halimbawa ng maka-Diyos na katangian, kakayahan, katarungan, pananagutan, at pamilya—para sa kanila na maglingkod nang may integridad, karunungan, katapatan, proteksyon, at gabay:
- Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, Mga Miyembro ng Gabinete at mga tagapayo
- Ang mga Senador at Kongresista
- Ang Punong Mahistrado at lahat ng mahistrado
- Ang puwersa ng Militar at Pulisya - Ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan at Barangay
Panalangin para sa mga pangunahing isyung nasyonal:
- Para sa wastong pamamahala ng krisis, at pagpapanatili ng ekonomiya
- Graft and corruption, illegal drug trade, forced labor, human trafficking
- Mga di-makadiyos na pagpapahalaga, pagbaba ng moral, materyalismo, pagsamba sa diyos-diyosan
- Mga hadlang sa ekonomiya, mataas na presyo ng gasolina, inflation, mga problema sa trapiko, mga bayarin, at mga batas na labag sa Salita at kalooban ng Diyos
- Na mas maraming tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ang maligtas, maging tagasunod ni Cristo at para magkaroon sila ng tunay na pagmamahal sa Panginoon.
Manalanging Maging Bahagi ng Pagtatatag ng Kaharian ng Diyos Dito Sa Lupa At Para Nang Sa Langit:
- Humingi ka ng patnubay ng Panginoon sa ginagawa Niya sa iyong komunidad. Ialay sa Kanya ang iyong sariling hanapbuhay at maging kinatawan ka ng Kanyang Kaharian; maging handa ka na sumunod sa Kanya saan ka man Niya akayin at anuman ang hihilingin Niya sa iyo na gawin.
- Magsikap ka na maging mahusay sa paaralan o sa trabaho—gagawin mo ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos lamang.
- Manalangin ka para sa isang kulturang sumusunod sa salita ng Diyos at nagsasagawa ng ebanghelismo at discipleship sa lugar na saklaw ng iyong impluwensiya: pamilya, komunidad, kumpanya, at bansa.
- Maglingkod sa iyong lugar ng trabaho o komunidad (magsimula ng isang Bible Study o magkaroon ng oras ng panalangin sa iyong lugar ng trabaho o kalapit na lugar).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinabi sa atin ni Jesus na iisa lang ang malinaw at tamang paraan para makita ng mundo na tayo ay Kanya: PAGMAMAHAL. Lalo na ang pagmamahal sa ating kapwa. Pero gaano nga ba natin kamahal ang isa't isa?
More
Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph/