Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)Halimbawa

Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)

ARAW 5 NG 6

Day 5: God's Love For Our Whole Being

Basahin: Lucas 18:35-43

35 Nang malapit na si Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. 36 Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. 37 “Nagdaraan si Jesus na tagaNazaret,” sabi nila sa kanya. 38 At siya'y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” 39 Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” 40 Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus, 41 “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” “Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli,” sagot niya. 42 At sinabi ni Jesus, “Makakita ka! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” 43 Noon di'y nakakita ang bulag at nagpupuri sa Diyos na sumunod kay Jesus. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.

Isipin:

1. Paano nalaman ng bulag ang tungkol kay Jesus? Ano ang ginawa niya para hanapin ang Panginoon? (vv35-37)

2. Ano ang reaksyon ng karamihan sa bulag? Ano ang tugon ni Jesus sa kanya? (vv38-42)

3. Paano mo sasagutin ang tanong ni Jesus sa talata 41: “Ano ang gusto mong gawin Ko para sa iyo?”

4. Ilarawan kung ano ang nangyari bilang resulta ng pagpapagaling. Sa iyong palagay, bakit pinapagaling ni Jesus ang mga taong maysakit?

Isabuhay:

Sa tuwing may mga taong lumalapit kay Jesus para sa pagpapagaling at kalusugan, buong pagmamahal Niyang tatanggapin sila at hihipuin ang kanilang buhay sa paraang Siya lamang ang makagagawa. Alam Niya kung ano ang kanilang pinagdadaanan at ninanais hindi lamang upang pagalingin sila sa pisikal kundi pati na rin, ang higit na mahalaga, para sa kanilang espirituwal na kaligtasan. Anuman ang mga karamdaman o limitasyon na kinakaharap natin ngayon, ang pagmamahal ni Jesus sa atin ay nagpapaalala na nais Niya tayong maging buo at maayos, na kadalasan ay mangangailangan ng simpleng pananampalatayang tulad ng isang bata sa Kanyang kapangyarihan at isang mapagpasalamat na puso anuman ang maging resulta.

1. Mayroon bang panahon na nakaranas ako ng sakit o nalilimitahan sa anumang kapasidad? Paano ako tumugon sa pagsubok na iyon?

2. Kailan ako huling nagdasal ng isang imposibleng panalangin ng pananampalataya, ganap na sumuko at ipinagkatiwala ang aking sitwasyon sa Panginoon? Ano ang resulta, kung mayroon man?

3. Maglalaan ako ng ilang sandali upang ipagdasal ang mga kasalukuyang may sakit at nangangailangan ng espirituwal na pagpapagaling at kaligtasan. May pananampalatayang ipagdadasal ko si ____________ (pangalanan ang bawat tao, tuwing araw ng ________ simula sa linggong ito, sa susunod na 6 na buwan.)

4. Anong mga ugali ang maaari kong higit pang paunlarin upang pangalagaan ang aking espirituwal, pangkaisipan, emosyonal, at pisikal na kagalingan?

Set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time-bound (SMART) commitments

Halimbawa: “Magsisimula akong magdasal na naglalakad 5-10 minuto araw-araw habang gumugugol ako ng oras kasama ang Panginoon."

Ipanalangin:

Ipahayag natin ang ating hindi pagiging karapat-dapat sa harap ng Panginoon; para sa mga oras na umasa tayo sa ating sariling mga mapagkukunan at pangangatwiran, sa halip na tumakbo sa Diyos una sa lahat—para sa ating kagalingan at kabuuan.

KAGALINGANG PISIKAL:

  • Habang nananalangin tayo para sa pagpapagaling – maging para sa ating sarili o sa iba – magtiwala tayo na ang Diyos ay nagpapagaling sa Kanyang panahon at sa Kanyang paraan. Sa halip na hilingin o idikta kung paano tayo dapat pagalingin ng Panginoon o ang ating mga mahal sa buhay, tandaan nating manalangin nang may pananampalatayang tulad ng bata –naniniwala ka na ang Diyos ay Manggagamot kahapon, ngayon, at magpakailanman.
  • Hingin sa Panginoon ang tagumpay sa iyong kalusugan at kagalingan—magkaroon ng isang puso na naghahanap sa Kaharian ng Diyos higit sa lahat; hayaan ang Banal na Espiritu na gabayan ang iyong pamumuhay upang mapangalagaan mo ang iyong katawan na Kanyang templo.
  • Manalangin para sa mabuting kalusugan mula sa Panginoon habang ginagawa natin ang ating bahagi sa pamamagitan ng pagkain ng tama, pagtulog nang sapat, regular na pag-ehersisyo, at soul care araw-araw (espirituwal na disiplina, pagmumuni-muni, katahimikan at pag-iisa sa harap ng Panginoon, at higit pa).

KAGALINGANG EMOSYON AT MENTAL:

  • Ipagtapat natin ang mga oras na hinahayaan nating talunin tayo ng ating mga alalahanin. Para sa mga oras na umasa tayo sa ating sariling kakayanan at pangangatwiran, sa halip na tumakbo sa Diyos, una sa lahat, para sa ating pagpapagaling at kagalingan.
  • Maglaan ng oras upang ipagkatiwala ang iyong mga pasanin sa Panginoon: anumang panghihina ng loob, pagkabalisa, pagkukulang, o takot na humahadlang sa iyong kaugnayan sa Diyos.
  • Marahil ay may kilala kang isa o higit pa na dumaranas ng emosyonal na hirap o mga hamon sa pangkaisipang kalusugan. Pangalanan at ipanalangin ang bawat isa sa kanila, para sa mahimalang pagpapagaling ng Panginoon sa kanila – pati na rin ang kaligtasan nila kung hindi pa nila kilala si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.

KAGALINGANG ISPIRITUWAL:

  • Manalangin tayo nang may pananampalataya para sa Diyos na bigyan tayo ng espirituwal na tagumpay sa mga bagay tulad ng:
    • Pagmamalaki, pagiging makasarili, mga lihim na kasalanan
    • Pagsamba sa mga diyos-diyosan, kasakiman, materyalismo
    • Sekswal na kadalisayan, pagpipigil sa sarili, integridad
    • Pagiging adik (sa alkohol, droga, pornograpiya, digital/ gaming, pagsusugal, at iba pa)
    • Masamang impluwensya, hindi makadiyos na relasyon, tsismis, paninirang-puri, pagsisinungaling
    • Espirituwal na labanan at pag-atake ng kaaway (mga pag-iisip ng pagpapakamatay)
  • Aminin at humingi ng kapatawaran para sa kasalanan, pagkukulang, at anumang pagkaalipin o adiksyon; hingin ang pagpapanumbalik ng Diyos sa ating buhay habang tayo ay nagsisisi at sumusuko sa Kanya.

PROBISYON NG DIYOS:

  • Aminin natin ang mga oras na hinahayaan nating talunin tayo ng ating mga alalahanin. Magsisi tayo sa mga panahon na tayo ay umasa sa ating sariling lakas o karunungan, sa halip na umasa sa Diyos una sa lahat para sa ating mga pangangailangan at mapagkukunan.
  • Hingin natin sa Panginoon ang isang pinansiyal na tagumpay—hingin ang isang puso na naghahanap sa Kaharian ng Diyos higit sa lahat; hayaan ang Banal na Espiritu na gabayan ka upang maging isang mabuting katiwala ng Kanyang mga pagpapala.
  • Manalangin upang maging mas mapagbigay, mapagkawanggawa, at masayahin habang ibinibigay mo ang iyong oras, talento, at mga kaparaanan sa gawain ng Diyos sa simbahan, sa iyong pamilya o komunidad, at/o sinumang maaaring nangangailangan sa sandaling ito.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)

Sinabi sa atin ni Jesus na iisa lang ang malinaw at tamang paraan para makita ng mundo na tayo ay Kanya: PAGMAMAHAL. Lalo na ang pagmamahal sa ating kapwa. Pero gaano nga ba natin kamahal ang isa't isa?

More

Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph/