Prayer: Experiencing God's Love (Tagalog)Halimbawa
Day 6: God's Love For The World
Basahin: Juan 3:16-21
16 “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya. 18 Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. 19 Ganito ang paghatol ng Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. 20 Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa. 21 Ngunit ang namumuhay ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos.
Isipin:
1. Basahin ang Juan kabanata 3 para sa konteksto. Sino ang kausap ni Jesus? Bakit ito napakahalaga?
2. Ano ang ginawa ng Diyos upang ipakita ang Kanyang pagmamahal sa mundo?
3. Ano ang dapat nating tugon sa katotohanang ito? Bakit nahihirapan ang iba na tanggapin ang katotohanang ito?
Isabuhay:
Habang nakikinig tayo sa personal na pag-uusap ni Jesus kay Nicodemus, nakikita natin ang puso ng Diyos para sa mga nawala sa kadiliman at naghahanap ng katotohanan. Ito ay nagpapakita sa atin na ang pagbabago ng mundo ay madalas na nagsisimula sa pamamagitan lamang ng pagmamahal sa isang tao sa isang pagkakataon at pagtuturo sa kanila sa katotohanan tungkol kay Jesus. Sa kasalukuyan, napakaraming mga tao o mga grupo ng tao na hindi pa naaabot o hindi pa rin alam ang tungkol kay Cristo at ang Mabuting Balita. Tayo ay tinawag upang maging mga tagatanggap ng ebanghelyo at maging mga kinatawan nito sa mga taong saklaw ng ating impluwensya.
1. Ako ba ay lubos at buong pusong nagtiwala sa Mabuting Balita ni Jesu-Cristo? Paano ko isasagawa araw-araw ang katotohanang ito sa sarili kong buhay? (Maglaan ng oras upang magsisi at ipagtapat ang anumang bahagi ng buhay na maaaring hindi nakalulugod sa Panginoon. Hilingin at manalangin para sa isang panibagong puso at para sa katiyakan ng kaligtasan.)
2. Kailan ako huling nagbahagi ng ebanghelyo sa isang estranghero o sa isang taong kilala ko mula sa paaralan, trabaho, kaibigan, o kamag-anak? Paano ako magiging mas handa para sa mga pagkakataong ito na ibinigay ng Diyos?
3. Bilang isang mamamayan ng Kaharian ng Diyos at ng bansang ito, tinutupad ko ba ang aking bahagi sa pamamagitan ng pagiging puspos ng Banal na Espiritu at pagiging madasalin? Sa anong paraan ko ito mapapaunlad pa sa aking pamumuhay?
May pananampalatayang isasabuhay ko ang isang buhay na mapanalangin at puspos ng Espiritu…
Set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, and Time-bound (SMART) commitments
Halimbawa: “Bilang isang tagasunod ni Cristo, ako ay mananalangin at magaayuno tuwing Biyernes sa tanghali (sumali sa CCF's Pray O'clock) para sa Pilipinas, sa mundo, sa aking simbahan, CCF, at sa aking pamilya.”
Ipanalangin:
Ipagdasal ang buong mundo—kabilang ang iba pang mga bansa at pamahalaan, upang tayong lahat ay umasa sa Panginoon na tulungan tayong mapagtagumpayan ang mga kasalukuyang hamon sa ekonomiya ng mundo at para sa kapayapaan sa mga bansang puno ng labanan, nasalanta ng digmaan, at ekonomiya:
- Israel at Palestine
- Ukraine at Russia
- Armenia at Azerbaijan
- Iraq, Iran, Afghanistan
- Myanmar, Rohingya
- Sri Lanka
- Sudan, Nigeria
- West Philippine Sea at ibang mga bansang kasama dito
- Iba pang mga bansa na nahaharap sa kaguluhan
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinabi sa atin ni Jesus na iisa lang ang malinaw at tamang paraan para makita ng mundo na tayo ay Kanya: PAGMAMAHAL. Lalo na ang pagmamahal sa ating kapwa. Pero gaano nga ba natin kamahal ang isa't isa?
More
Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph/