Kabaitan, isang Bunga ng EspirituHalimbawa
Kabaitan laban sa Paghihiwalay
Ruth 1:8-22
Tema ng Talata: Mga Kawikaan 3:27
Sa linggong ito ay pag-aaralan natin ang tungkol sa paghihiwalay laban sa Kabaitan. Ang paghiwalay ay isang saloobin ng pagtanggal, o pag-alis ng isang koneksyon. Ito ay nagdudulot ng paghihiwalay sa halip na pagkakaisa. Sa halip na magpakita ng kabaitan sa isang tao, sinasabi natin, "hindi ko ito problema." Sa panahon ngayon, tayo ay pahiwalay nang pahiwalay. Nananatili tayo sa isang pamilya, at pakiramdam natin ay hindi tayo obligadong tumulong sa mga taong wala sa ating grupo. Gayunpaman, hindi ganitong pamumuhay ang nais ng Diyos sa atin.
Ang isang halimbawa ng kabaitan ay ang Afghan code na kilala bilang Pashtunwali, kung saan ang isang tribo ay may responsibilidad na bantayan ang isang tao laban sa kanyang mga kaaway at protektahan sa anumang mangyari. May mga kuwento kung saan ang mga Afghan ay talagang namamatay sa pagprotekta ng taong hindi nila kilala. Ang isa pang halimbawa ng kabutihan sa halip na pagwawalang-bahala ay ang international maritime law. Isinasaad sa batas na ito na kailangang huminto at tumulong sa ibang tao na nangangailangan sa karagatan. Sa halip na code of honor, o isa lamang kutob, ang mga marino ay obligadong tulungan ang isang tao na hindi nila kilala. Dapat ba tayong gumawa ng hindi pangkaraniwang bagay upang tulungan ang mga nangangailangan, kahit na walang alituntunin o batas na nagoobliga sa atin?
Sa kuwento sa Bibliya ngayong araw, ang asawa ni Ruth ay namatay, pati na rin ang kanyang biyenang lalaki at ang kanyang bayaw. Sa kanilang pamilya, tanging ang kanyang biyenang babae at hipag ang nanatili. Wala sinuman kay Ruth, o sa kaniyang hipag na si Orpah ang may anak. Nagpasya si Naomi na umuwi sa kanyang tinubuang-bayan, at sinabihan ang dalawang babae na hindi na nila kailangang sumama, ngunit maaari silang bumalik sa kanilang pamilya at mag-asawang muli. Wala sa kanila ang gustong iwan mag-isa si Naomi, ngunit dahil sa pagpipilit, nagpasya si Orpah na bumalik sa kanyang pamilya. Si Ruth, gayunpaman, ay hindi napilit, at determinadong manatili sa tabi ni Naomi. Si Ruth ay naglakbay kasama si Naomi, at tinulungang ayusin ang bahay ng sila ay dumating. Nagsimula rin siyang magtrabaho sa bukid upang magkaroon sila ng makakain. Ginawa ni Ruth ang lahat upang suportahan at tulungan ang kaniyang biyenang babae, ngunit ang totoo ay ginawa niya ang higit pa.
Sa bandang huli, dahil sa pagpapala ng Diyos, si Ruth ay nakapag-asawang muli upang dalhin ang linya ng pamilya ni Naomi. Ang kanyang unang anak ay dinala ang pangalan ng asawa ni Naomi, at nagpakita si Ruth ng labis na kabutihan kay Naomi. Hindi niya sinabi kay Naomi "hindi ko ito problema" ngunit sa halip ay nagpakita siya ng labis na kabutihan sa kanyang aksyon at salita. Magiging gaya ba tayo ni Ruth sa kabaitan, sa halip na magwalang-bahala?
Mga Tanong:
1. Anong batas ang mayroon sa iyong lipunan kung saan responsable kang tumulong sa mga nangangailan?
2. Sa iyong lipunan, sa anong paraan madalas sabihin ng mga tao na, "Hindi ko ito problema" at tumangging tumulong?
3. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaisa sa katawan ni Kristo?
Aplikasyon sa buhay:
Maghanap ng taong tutulungan, lalo na kung ito ay "hindi iyong problema." Magbigay sa pulubi sa kalye, o sa isang bata sa paaralan na nangangailangan ng bagong lapis o pambura. Tiyakin na sila ay walang kaugnayan sa iyo, at ikaw ay walang responsibilidad o kailangan upang tulungan sila.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano magtatagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang apat na araw na planong pagbabasa na ito ay nagpapakita ng mga laban ng KABUTIHAN laban sa pag-kukumpara, panlilinlang, paglayo, at kasamaan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo na kumilos at maging mga kampeon ng KABUTIHAN.
More
Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/