Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kabaitan, isang Bunga ng EspirituHalimbawa

Kabaitan, isang Bunga ng Espiritu

ARAW 4 NG 4

Kabaitan laban sa Masamang Hangarin

Ester 3-5

Tema ng Talata: Roma 15:14

Sa linggong ito tayo ay titingin sa kabaitan laban sa masamang hangarin. Ang masamang hangarin ay isang pagnanais na makapinsala, makasakit, o makapagpahirap ng ibang tao, dahil sa galit man o sa labis na kasakiman. Ito ay isang masamang layunin ng taong may maling pagkilos.

Sa kuwento sa Bibliya ngayong araw, si Haman ay nagpaplanong patayin ang mga Hudyo. Dati ay galit siya kay Mordecai, sapagkat hindi ito yumuko sa kanya. Gayunman, nang malaman niya na si Mordecai ay isang Hudyo, hindi niya lang gustong patayin ito, at sa halip ay nais niyang patayin ang lahat ng kanyang mga tao sa buong lupain ng Xerxes. Kagulat-gulat na ang puso ng tao ay ay maaaring maging sobrang sama at mapaghiganti. Sa halip na patayin lamang ang isang tao na may galit ka, nais ni Haman na patayin ang isang buong grupo ng tao!

Ang ating puso ay masama, at tayo ay ipinanganak sa kasalanan. Kailangan ng mga buhay ang bunga ng espiritu upang mapagtagumpayan ang masamang hangarin, at mamuhay ng may kabaitan sa iba. Kahit ngayon, sa lahat ng dako ng mundo, may mga taong gustong pumatay ng isang buong lahi ng tao. Sa loob ng nakaraang 100 taon, tayo ay nagkaroon ng maraming halimbawa kung saan ang isang lahi ay nais patayin ang isa pang buong lahi. Higit sa isang beses, ang mga tao ay nais na patayin lahat ng Hudyo!

Mabuti na lamang, sa kuwentong ito sa Bibliya, si Haman ay napigilan na magawa ang masamang hangarin sa kanyang puso.

Si Mordecai ay pumunta kay Reyna Esther at hiniling na pumunta sa hari upang makiusap na kaawaan ang mga Hudyo. Pinag-ayuno niya ang lahat at pinagdasal ng tatlong araw, at pagkatapos ay nagpunta siya sa hari. Naghanda siya ng 2 salu-salo para sa hari at kay Haman, at sa pangalawa salu-salo, isiniwalat niya ang plano at utos ni Haman na patayin ang lahat ng mga Hudyo. Si Reyna Esther ay nakipagsapalaran upang iligtas ang kanyang mga tao, at pinagpala siya ng Diyos. Nagpakita siya ng kabaitan sa iba at iniligtas sila mula kay Haman at sa kanyang masamang plano.

Maaaring wala tayo sa sitwasyon na kasing lubha ng kanilang ginawa sa tunay na kuwento sa Bibliya, ngunit may kasamaan at kasakiman sa ating paligid. Puwede ba tayong pumili na mabuhay ng may kagandahang-loob, at labanan ang masasamang hangarin sa mundo ngayon?

Mga Tanong:

1. Bakit hindi na lamang lipulin ng Diyos ang lahat ng masasamang tao?

2. Halos lahat ng bansa ay may kuwento kung saan sinubukan nilang patayin ang isang lahi ng tao. Ano ang kuwentong iyong bansa?

3. Ang mga sanggol ba ay ipinanganak ng dalisay at walang kasalanan?

Aplikasyon sa buhay:

Protektahan ang ibang tao ngayong linggo mula sa taong masama sa kanila ng walang dahilan. Habang pinoprotektahan natin ang ibang tao, labanan din natin ang kasalanan sa ating puso. Isapanganib ang iyong sariling reputasyon upang protektahan ang ibang tao.

Gusto mo pa?

Ang plano sa pagbabasa na ito ay kinuha mula sa kurikulum na pambata ng Equip & Grow. Tamasahin ang planong ito sa bahay, at pagkatapos ay gawin ang buong kurikulum sa simbahan gamit ang mga aklat, laro, gawain, kanta, dekorasyon, at marami pa!

https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Kabaitan, isang Bunga ng Espiritu

Paano magtatagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang apat na araw na planong pagbabasa na ito ay nagpapakita ng mga laban ng KABUTIHAN laban sa pag-kukumpara, panlilinlang, paglayo, at kasamaan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo na kumilos at maging mga kampeon ng KABUTIHAN.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/