Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kabaitan, isang Bunga ng EspirituHalimbawa

Kabaitan, isang Bunga ng Espiritu

ARAW 2 NG 4

Kabaitan laban sa Panlilinlang

Mateo 26:31-35, 69-75

Tema ng Talata: Mga Awit 26:4

Sa linggong ito ang ating sagupaan ay laban sa panlilinlang, isang kasalanan kung saan itinatago natin ang katotohanan. Sinasabi sa Awit 101: 7, ang pakikipag-usap sa Diyos, "Walang sinumang nanlilinlang ang titira sa aking bahay; walang isa na nagsasabi ng kasinungalingan ang tatayo sa harapan ko." Kung gagawa ka ng pag-aaral sa salitang panlilinlang, ay makikita mo na ito ay nabanggit ng maraming beses sa Bibliya. Hindi talaga ito gusto ng Diyos. Pero bakit? Palagi tayong nagsisinungaling oras-oras. Halimbawa, sinasabi natin sa isang tao na ang kanyang sanggol ay maganda, kahit na ang iniisip natin ay pangit ito! Alam natin, na hindi ganun kasama sa pagkakataon ito ang hindi natin pagsasabi ng katotohanan. Kaya bakit ang panlilinlang ay napakasama sa Diyos? Sinabi ni David, "Hindi ako umuupo kasama ang mandaraya, at hindi rin ako makikisama sa mga mapagpaimbabaw." Dito inihambing ni David ang mandarayang tao sa mapagpaimbabaw! Marahil dito ay matutulungan tayong maunawaan kung gaano ka ayaw ng Diyos ang kasinungalingan, dahil lahat tayo ay hindi gusto ang ideya ng mapagpaimbabaw.

Sinundan ko ang isang sikat na mangangaral ng ilang taon, na palaging nagtuturo ng integridad. Nang isang araw ay nalaman ko na inaabuso niya ang mga batang babae sa buong panahong iyon. Ang natural na galit na pumuno sa aking puso ay kagulat-gulat! Nais kong ihagis sa basura ang lahat ng pagtuturo na kanyang ginawa. Ang mangangaral na ito ay hindi man lang alam kung sino ako, ngunit siya ay malupit sa akin. Ginulangan niya ako at dinaya.

Ang kuwento sa linggong ito sa Bibliya ay tungkol kay Pedro ang Apostol. Nakagawa siya ng pagkakamali isang araw na humantong din sa kanyang pagiging mapagpaimbabaw. Ang kahanga-hangang bagay ay nagsisi si Pedro sa kanyang mga kasalanan, at pinatawad siya ni Hesus. Kung ikaw at ako ay nahuling nandaya, maaari rin tayong mapatawad. Sa kasamaang palad, ang mangangaral na aking nabanggit ay hindi nagsisi, hindi inamin ang kanyang kasalanan, at patuloy na nangaral na tila wala siyang ginawang mali.

Sa kuwento sa Bibliya, isang araw nang si Hesus at ang Kanyang mga alagad ay nagkakaroon ng hapunan ng Paskuwa, sinabi sa kanila ni Hesus na silang lahat ay magsisihiwalay. Gayunman, si Pedro ay nagsalita at sinabi, "Kahit na ang lahat ay mangagsihiwalay sa iyo, ako ay hindi kailanman." Pagkatapos ay nagkaroon ng prediksiyon si Hesus kay Pedro na bago tumilaok ang manok nang gabing iyon ay ikakaila Siya nang tatlong beses. Maaaring nakaramdam si Pedro ng pagkatakot, at sa parehong oras na tinukoy ay inisip niya na hindi ito magkakatotoo.

Gayunman, si Hesus ay tama. Sa parehong gabi ikinaila ni Pedro si Hesus ng tatlong beses. Hindi lamang siya nagpanggap na hindi niya kilala si Hesus, ngunit isinumpa niya na hindi niya ito kilala. Sa puntong iyon, tumilaok ang manok.

Ang isang pangunahing alagad ni Hesus ay tumayo at sinabi sa publiko na hindi sila magkaibigan ni Hesus. Maaaring nasaktan ang damdamin ni Hesus. Ang ating sariling pandaraya ay makakadurog din sa puso ng Diyos. Maaari tayong magpasalamat na patatawarin tayo ng Diyos kung aaminin natin ang ating kasalanan, magsisi at magbago.

Mga Tanong:

1. Ano ang mapagpaimbabaw?

2. Nabigo na ba kayo sa isang iskandalo sa simbahan?

3. Kailan tamang itago ang katotohanan?

Aplikasyon sa buhay:

Sa linggong ito, pumunta sa tao na iyong pinagsinungalingan at sabihin sa kanila ang totoo. Humihingi ng paumanhin para sa pagsisinungaling at hilingin sa kanila na ikaw ay patawarin. Sa bawat oras na ikaw ay babalik at sasabihin ang katotohanan ay isang malaking panalo laban sa kasalanan.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Kabaitan, isang Bunga ng Espiritu

Paano magtatagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang apat na araw na planong pagbabasa na ito ay nagpapakita ng mga laban ng KABUTIHAN laban sa pag-kukumpara, panlilinlang, paglayo, at kasamaan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo na kumilos at maging mga kampeon ng KABUTIHAN.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/