Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Puro Pera Pero...Halimbawa

Puro Pera Pero...

ARAW 5 NG 10

Hindi Dapat Maging Alalahanin Ang Pera

Dahil ang pera ay hindi na ang sentro ng kanilang buhay, ang isang tagasunod ni Cristo na may tamang pananaw sa pananalapi ay hindi na nababahala dito. Ang kanilang pangunahing alalahanin ay ang kaharian ng Diyos—kung paano malaman ang kalooban at layunin ng Diyos para sa kanilang buhay, at kung paano ito maisasakatuparan sa pamamagitan ng biyaya at pananampalataya. Gagawin pa rin nila ang kanilang makakaya upang kumita, maging sa pagtatrabaho para sa iba bilang isang empleyado o sa pamamagitan ng sariling negosyo bilang isang negosyante. Ngunit ang kanilang pangunahing layunin ay kung paano sundan si Cristo sa bawat araw ng kanilang buhay.

Hindi sila nag-aalala tungkol sa pera dahil alam nilang inaalagaan sila ng kanilang Amang nasa langit. Hindi nila hinahabol ang pera; ang hinahabol nila ay ang kaharian ng Diyos. Sa bawat desisyon na kanilang ginagawa, lagi nilang tinatanong ang kanilang sarili, "Paano maaapektuhan ng ito ang katuparan ng kalooban ng Diyos para sa aking buhay?" Ang kanilang mga Oo o Hindi ay batay sa kung paano ito makakaapekto sa kanilang pagsunod kay Cristo.

Hindi sila nababalisa tungkol sa kanilang mga pinansyal na pangangailangan dahil may tiwala sila na alam ng kanilang Amang nasa langit ang kanilang mga pangangailangan. Ang kanilang buhay ay nakasentro sa pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos, at hindi sa materyal na bagay. Ito ang nagbibigay sa kanila ng kapayapaan, dahil ang kanilang seguridad ay hindi nakasalalay sa kanilang kayamanan, kundi sa kanilang kaugnayan sa Panginoon.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Puro Pera Pero...

“Puro pera na lang ang pinag-uusapan sa church namin!” Nasabi mo na ba ito? Narinig mo na ba ito? Ikaw ba yung pastor o preacher na guilty sa ganitong bagay? Pero, teka muna. Saan ba dapat pag-usapan ang tungkol sa pera? Mahigit 2,300 beses binabanggit ang pera sa Bible. Mukhang maraming nais sabihin ang Panginoon tungkol dito. Hindi ba dapat pag-usapan natin ito? Sa devotional na ito, alamin natin kung bakit mahalagang maunawaan ang tungkol sa pera ayon sa salita ng Diyos upang tayo ay maging tapat na alagad ni Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Real Life Christian Communities Philippines sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://rlcc.ph