Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Puro Pera Pero...Halimbawa

Puro Pera Pero...

ARAW 10 NG 10

Maging Bukas-Palad sa Pagbibigay

Sa kabila ng kahirapan, maaari tayong maging bukas-palad dahil sa biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pagbibigay ay hindi tungkol sa halaga, kundi tungkol sa kagustuhan at kagalakan na nagmumula sa biyaya ng Diyos. Habang lumalago tayo sa pananampalataya, nawa tayo rin ay lumago sa pagiging bukas-palad sa ating pagbibigay.

Ituring natin bilang isang investment ang pagbibigay sa kaharian ng Diyos. Ang ministry natin ay patungkol sa mga tao. Nais natin matulungan sila upang maging tapat na tagasunod ni Cristo. Dahil rito, napakagandang investment ang pagbibigay sa gawain ng Panginoon. Dapat natin pagtuunan ito nang pansin at pagpaplano. Makakaasa tayo na pagpapalain tayo ng Diyos at sasagana ang ating buhay dahil ito ay ayon sa Kanyang kalooban.

Ang pagbibigay natin sa Panginoon ay dapat nagmumula sa pagkakaisa natin bilang katawan ni Cristo. Ito ay hindi sapilitan. Bagkus dapat ito'y kusang-loob. Dahil sa pag-ibig natin sa isa't isa, kailangan maging bukas-palad tayo. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng tunay na malasakit ang bawat isa sa katawan ni Cristo.

Ito ang patotoo natin sa biyaya ng Diyos na kumikilos sa ating buhay. Marami ang magpapasalamat sa Panginoon dahil sa katapatan natin sa Kanyang salita. Sa pamamagitan ng pagiging bukas-palad, ang biyaya ng Diyos ay lalong maihahayag sa buhay natin.

Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Puro Pera Pero...

“Puro pera na lang ang pinag-uusapan sa church namin!” Nasabi mo na ba ito? Narinig mo na ba ito? Ikaw ba yung pastor o preacher na guilty sa ganitong bagay? Pero, teka muna. Saan ba dapat pag-usapan ang tungkol sa pera? Mahigit 2,300 beses binabanggit ang pera sa Bible. Mukhang maraming nais sabihin ang Panginoon tungkol dito. Hindi ba dapat pag-usapan natin ito? Sa devotional na ito, alamin natin kung bakit mahalagang maunawaan ang tungkol sa pera ayon sa salita ng Diyos upang tayo ay maging tapat na alagad ni Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Real Life Christian Communities Philippines sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://rlcc.ph