Puro Pera Pero...Halimbawa
Kilalanin si Cristo Nang Mas Malalim Pa
Maraming tao ang hindi tama ang pagkakilala kay Cristo. Dahil sa mga maling paniniwala, tuluyan nila Siyang tinatanggihan. Ngunit marami rin ang tama ang pagkakakilala kay Cristo, ngunit nababagot sa kanilang buhay Kristiyano. Kahit na alam nilang si Jesus ay Panginoon at Tagapagligtas, madali pa rin silang naaakit ng mundo. Dinadaya sila ng kaaway at inililigaw mula sa taos-pusong paglilingkod kay Cristo. Bakit ganito?
Ito ay dahil mababaw ang kanilang pagkakakilala kay Cristo. Mababaw dahil iniisip nilang naabot na nila ang lahat ng dapat malaman tungkol kay Cristo. Tulad ng isang asawang nawawalan ng interes sa kanyang kabiyak dahil sa akalang alam na niya ang lahat tungkol sa kanya, ang isang mananampalatayang mababaw ang kaalaman tungkol kay Cristo ay darating sa puntong mababagot rin. Maghahanap siya ng mas kapanapanabik na bagay na mapag-uukulan ng pansin. Madalas ito ay tungkol sa pera o sa pagiging mayaman sa mundong ito.
Ngunit higit pa kaysa sa inaakala nating nalalaman natin ang tungkol kay Cristo. Sa pamamagitan ng mas malalim na pagkakakilala kay Cristo, kahit na hindi natin lubos na mauunawaan ang lahat tungkol sa Kanya sa buhay na ito, magkakaroon pa rin tayo ng kakayahang labanan ang pandaraya ng diyablo at ng mundong ito sa pamamagitan ng pagkakilala natin sa Kanya. Sikapin natin na makilala pa nang mas malalim si Cristo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
“Puro pera na lang ang pinag-uusapan sa church namin!” Nasabi mo na ba ito? Narinig mo na ba ito? Ikaw ba yung pastor o preacher na guilty sa ganitong bagay? Pero, teka muna. Saan ba dapat pag-usapan ang tungkol sa pera? Mahigit 2,300 beses binabanggit ang pera sa Bible. Mukhang maraming nais sabihin ang Panginoon tungkol dito. Hindi ba dapat pag-usapan natin ito? Sa devotional na ito, alamin natin kung bakit mahalagang maunawaan ang tungkol sa pera ayon sa salita ng Diyos upang tayo ay maging tapat na alagad ni Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Real Life Christian Communities Philippines sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://rlcc.ph