Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa SariliHalimbawa

Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili

ARAW 1 NG 7

May hinahanap ka ba sa buhay? 🔎

Nakakaranas ka ba ng parang may hinahanap ka, at kahit na nakukuha mo ang gusto mo, you’re still not satisfied? Marami sa atin ang nakakaranas nito, at hindi ito kakaiba. May dahilan pala kung bakit parang hindi tayo satisfied even if things are going well in all aspects of life.

Do you know that there is something written in the Bible about this? Basahin natin ito:

Ginawa niya ang bawat bagay na maganda sa kapanahunan niyon; inilagay rin niya ang walang hanggan sa isipan ng tao (Mangangaral 3:11 AB 2001).

Nakikita mo ba? We’re designed for eternity, kaya pala hindi tayo makuntento sa kahit anong makuha natin sa mundong ito.

Pero may good news. Tingnan natin ang isa sa mga paglalarawan ni Jesus sa sarili Niya, that can be found in the Gospel of John in the Bible:

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman (Juan 6:35 ASND).

Ang ganda ng larawang ginamit ni Jesus, tinapay bilang pangunahing pagkain sa panahong iyon. Sinasabi Niya dito na “He’s the One who can satisfy the hunger inside of us that nothing else can satisfy. “

Naranasan mo na ba ang pagbibigay-buhay ni Jesus? Kung naranasan mo na, mabuti, at maaari kang magpatuloy na humingi nito sa Kanya. Kung hindi pa, walang problema; gamitin natin ang pagkakataon ngayon na ipagdasal ito: “Jesus, gusto kong maranasan Ka bilang tinapay na nagbibigay-buhay. Turuan Mo akong lumapit sa Iyo, so that I won’t hunger or thirst for things that don’t satisfy. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day