Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa SariliHalimbawa

May GPS ba ang buhay mo?đź§
Gumagamit ka ba ng GPS? It’s a technology that you can turn on, which will then show you a map while giving you verbal instructions on how to reach your desired destination. Ang galing, di ba? Naranasan mo bang nagkamali ang GPS? Kami, oo! Ilang beses na sinasabi nitong puwedeng dumaan dito o doon, yun pala, sarado na iyong daan. Ang nangyayari tuloy, kinakailangang maghanap ng ibang daan para umabot sa paroroonan.
In our spiritual life, napakahalaga palang magkaroon tayo ng tamang “GPS.” Maraming nagsasabing kahit anong daan lang ay makakarating ka sa Diyos. Sa totoo lang, hindi iyon nakasulat sa Bible. Ayon sa Bible, isa lang ang tamang daan, at ito ay si Jesus.
Ito ang isa sa mga paglalarawan ni Jesus sa sarili Niya:
Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko. (Juan 14:6 ASND)
Nakikita mo ba? Hindi si Jesus nagpapalaboy-laboy na kahit anong daan lang ay puwede mong piliin; sinabi talaga Niya na walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan Niya. At higit pa doon, Siya din ang katotohanan at ang buhay. That means that all our truth needs to be grounded in Him. But it also means that, once we belong to Him, we can be sure that He will lead us to the Father, to truth, and to life.
Puwede mong ipagdasal ito, “Jesus, gusto kong maglakad sa daan Mo. Turuan Mo ako ng katotohanan Mo, at gusto kong mabuhay sa buhay na bigay Mo. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day