Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa SariliHalimbawa

Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili

ARAW 4 NG 7

Has anyone laid down his life for you? 🤔

Have you ever seen a sheep in real life? Hindi ganoon karami ang tupa dito sa atin sa Pilipinas, but in the history of Israel, it’s one of the main livestock. Ang haring si David, bilang bunsong anak sa pamilya, ay naging isang pastol, at isa sa mga pinakakilalang awit niya ay ang “The Lord is my Shepherd,” na makikita natin sa Psalm 23:

Ang Panginoon ang aking pastol,
hindi ako magkukulang ng anuman.
Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan,
patungo sa tahimik na batisan akoĘĽy kanyang inaakay.
Panibagong kalakasan akoĘĽy kanyang binibigyan.
Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan,
upang siyaĘĽy aking maparangalan. (Salmo 23:1-3 ASND)

Ang nakakatuwa, si Jesus mismo ay ginamit ang paglalarawang ito para sa sarili Niya. Basahin natin ito:

“Ako ang mabuting pastol, at ang isang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa… Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin. At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila (Juan 10:11, 14-15 ASND)

Not only did Jesus describe Himself as the Good Shepherd, just as David wrote in Psalm 23, kundi ipinakita pa Niya na ang mabuting pastol ay “handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa.” Kinumpara pa Niya ito sa mga bayarang pastol, na walang malasakit sa mga tupa. In contrast, a good shepherd lays down his life for the sheep.

At ito nga ang ginawa ni Jesus, noong ibinigay Niya ang Kanyang buhay bilang kabayaran sa kasalanan nating mga minamahal Niya.

Isa kang miracle!

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day