Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga AwitHalimbawa

"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga Awit

ARAW 2 NG 7

LIGTAS TAYO SA PANGINOON 

Sa modernong panahon, patuloy na sinusubukan ng mga tao na makahanap ng modernong sistema ng seguridad na makapagpapagana sa kanila na magtrabaho, gawin ang mga gawain na mapayapa. Walang mali sa mga aparatong pang-seguridad na kailangan natin. Gayunpaman, mapupuno ba ang ating mga puso ng kapayapaan dahil sa lahat ng mga kagamitan na ito?

Kahit na sa mga modernong kagamitan sa seguridad, ang mga tao ay nakakaramdam ng di kasiguruhan. Ang tanging bagay na makakapabigay kasiguruhan sa atin ay kapag ang Panginoon ay kasama natin.
Nakita ni David kung paano naroroon ang Diyos sa kanyang buhay - mula sa isang pastol na batang lalaki sa bukid patungo sa pagiging mandirigma at sa huli bilang isang hari ng Israel. Maaari lamang tayong magkaroon ng presensya ng Diyos kapag napagtanto natin na lagi tayong tinitingnan ng Diyos. Kung palaging may kamalayan tayo tungkol sa Diyos, hindi tayo basta hahakbang o gagawa ng desisyon dahil may takot  tayo sa Panginoon.
Ipakikita ng Panginoon ang Kanyang mga daan sa may takot sa Kanya. Araw-araw ay nahaharap tayo sa mga desisyon na dapat nating piliin. Ang ilan sa mga desisyong ito ay mahalagang desisyon, kung gagawin natin ang mga maling desisyon, ang resulta nito ay makakapagdulot sa atin ng kapahamakan.
Kapag ang Panginoon ang siyang nanguna sa ating landas, makakatiyak tayo na ang kanyang daan ay palaging tama. At makakasigurado ka na ang buhay mo ay ligtas.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga Awit

7 Araw na Pagninilay mula sa aklat ng mga Awit. Paalala ng Kaaliwan, Katatagan, Katiyakan Kaligtasan, Kagalakan at Pag-asa mula sa Kanyang mga Salita. Tutulungan tayo ng debosyong ito na patuloy na maghanap at magtiwala sa Diyos, sa gitna ng ating mga problema sa ating buhay. Nawa ang debosyong ito ay magbibigay sa atin ng bagong lakas at pag-asa habang patuloy tayong umaasa sa Kanya.

More

Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.bcs.org.sg/ministryfilipino