"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga AwitHalimbawa
ANG MATUWID AY LIGTAS MULA SA PANGANIB
Kapag tayo ay nanampalataya tayo at gumagawa ayon sa Salita ng Diyos, hindi ito nangangahulugan na ang ating buhay ay magiging maayos. Maraming mga tauhan sa Biblia ay may mahusay na pananampalataya ngunit nakikibaka pa rin sa kanilang pang araw araw na pamumuhay. Sinabi ni apostol Pablo na laging siyang nakakatagpo ng panganib sa kanyang araw araw na paglilingkod.
Ang mga matuwid ay tiyak na haharap sa maraming mga hamon, gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang Panginoon ay hindi nagmamalasakit. Ang Diyos ay humaharap sa parehong bagay na ating kinakaharap sa buhay. Habang tumatagal tayo sa Salita ng Diyos at namumuhay ayon dito, tayo ay pinagiging banal ng Diyos at inililigtas mula sa panganib.
Ipinadala ng Panginoon ang Kanyang mga hukbo sa kalangitan bilang ating bakod ng proteksyon. Hindi natin makita ito sa ating mga espirituwal na mata upang ang ating mga puso ay nakatuon sa Panginoon at ang ating espirituwal na mga mata ay magiging mas malakas. Kung nakikita natin ang mga anghel ng Panginoon sa ating pisikal na mga mata, ang ating pananampalataya ay hindi na nakatutok sa Panginoon at bilang resulta ay maaari nating makalimutan Siya.
Lumakad sa katotohanan araw-araw at maaabot namin ang patutunguhan ng Diyos nang ligtas.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7 Araw na Pagninilay mula sa aklat ng mga Awit. Paalala ng Kaaliwan, Katatagan, Katiyakan Kaligtasan, Kagalakan at Pag-asa mula sa Kanyang mga Salita. Tutulungan tayo ng debosyong ito na patuloy na maghanap at magtiwala sa Diyos, sa gitna ng ating mga problema sa ating buhay. Nawa ang debosyong ito ay magbibigay sa atin ng bagong lakas at pag-asa habang patuloy tayong umaasa sa Kanya.
More
Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.bcs.org.sg/ministryfilipino