Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga AwitHalimbawa

"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga Awit

ARAW 3 NG 7

MATATAG

Ang isang gusali ay masasabing matatag sa lindol pagkatapos na dumaan sa lahat ng mga pagsubok sa oras ng lindol. Ganito rin sa mga mag-aaral sa paaralan na kailangang pumasa sa pagsusulit bago pumunta sa susunod na antas. Maraming mga Kristiyano ay may pagnanais na maging matatag na Kristiyano, gayunpaman sa gitna ng kanilang paglalakbay, sila ay naliliglig, nasasaktan hanggang bumagsak.

Nang lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto, kailangan nilang dumaan sa ilang mga antas ng pagsusulit. Ang pinakamahirap na pagsubok ay nang pumasok sila sa disyerto. Ang pagsubok sa disyerto ay nangyayari rin sa mga anak ng Diyos. Ano ang ating saloobin kapag nahaharap tayo sa pagsubok o bagyo ng buhay? Marami sa mga Israelita sa disyerto ay nagreklamo. Sila ay nagalit at nagrebelde laban sa Panginoon sa pamamagitan ng paggawa ng mga idolo.

Tingnan natin ang puno ng niyog. Kahit na ito ay isang matangkad at napakapayat na puno at may ilang mga dahon lamang, kapag ang bagyo ay dumating, ang mga sanga lamang nito ang nauuga. Hindi ito nasisira. Bakit? Dahil sa malakas na ugat nito na sumusuporta sa puno.

Hindi tayo masusukat na matatag na Kristiyano kapag tayo ay pinagpapala ng sagana, ngunit kung tayo ay mayroong lakas na dumaan sa mga bagyo ng buhay. Ano ang nagpapalakas sa atin? Ito ay ang ating pundasyon kay Kristo. Malalim na nakaugat tayo kay Kristo kapag palagi nating pinasasalamatan at sinasalita ang Salita ng Diyos sa bawat sitwasyon.

Tayo ay maging perpekto, maging higit na katulad ni Hesus Kristo araw-araw. Maging matatag!

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga Awit

7 Araw na Pagninilay mula sa aklat ng mga Awit. Paalala ng Kaaliwan, Katatagan, Katiyakan Kaligtasan, Kagalakan at Pag-asa mula sa Kanyang mga Salita. Tutulungan tayo ng debosyong ito na patuloy na maghanap at magtiwala sa Diyos, sa gitna ng ating mga problema sa ating buhay. Nawa ang debosyong ito ay magbibigay sa atin ng bagong lakas at pag-asa habang patuloy tayong umaasa sa Kanya.

More

Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.bcs.org.sg/ministryfilipino