Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga AwitHalimbawa

"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga Awit

ARAW 7 NG 7

PAG-ASA

Ang pag-asa ay mahalaga para sa lahat, kapwa para sa mga mananampalataya at di-mananampalataya. Isipin ang buhay na walang pag-asa, ang sanlibutan ay tiyak na magiging walang laman. Purihin ang Panginoon na bilang mga mananampalataya, tayo ay laging may pag-asa; ang Panginoon ang pag-asa para sa mga mananampalataya. 

Kahit na tayo  ay nasa gitna ng mga sitwasyong mukhang walang solusyon o ibang mga tao ay hindi nagmamalasakit sa atin, kung ang ating mga puso ay patuloy na naniniwala sa Kanyang Salita at patuloy tayong nagtitiyaga sa panalangin, ang ating pag-asa sa Panginoon ay lalong magiging malalim. 
Inilalagay natin ang ating pag-asa sa Panginoon sapagkat nakita natin ang lahat ng mga gawa ng Diyos sa ating buhay. Naniniwala tayo na Siya ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, at walang maihahalintulad sa Kanya. Naniniwala tayo na ang Kanyang tulong ay hindi kailanman magiging huli, na Siya ay isang makatarungang Diyos na nakakakita sa bawat mabuting gawa na inihahasik natin. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaunawa kung ano ang nararanasan natin. 
Inilalagay natin ang pag-asa sa Panginoon, kaya't sinasabi natin sa Kanya ang tungkol sa lahat ng ating mga sitwasyon. Isuko natin ang lahat sa Panginoon habang pinupuri natin Siya at umawit sa Kanya dahil sa Kanyang kahanga-hangang mga gawa sa ating buhay. At may gagawin ang Diyos sa ating buhay.

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

"Kalakasan at Pag-asa" Mula Sa Mga Awit

7 Araw na Pagninilay mula sa aklat ng mga Awit. Paalala ng Kaaliwan, Katatagan, Katiyakan Kaligtasan, Kagalakan at Pag-asa mula sa Kanyang mga Salita. Tutulungan tayo ng debosyong ito na patuloy na maghanap at magtiwala sa Diyos, sa gitna ng ating mga problema sa ating buhay. Nawa ang debosyong ito ay magbibigay sa atin ng bagong lakas at pag-asa habang patuloy tayong umaasa sa Kanya.

More

Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.bcs.org.sg/ministryfilipino