Anim na Hakbang Tungo sa Iyong Pinakamabuting PamumunoHalimbawa
Ang Disiplina Upang Makapagsimula
Ang asawa ko, si Amy, ang mga anak ko, at ang tauhan ko ay sasabihin sa iyo na ang pagbubuo ng mga pinuno ay hindi lamang isang bagay na gustung-gusto kong gawin, ito ay isang malaking bahagi ng kung sino ako. Naniniwala akong kapag nagiging mas mahusay ang isang pinuno, ang lahat ay nagiging mas mahusay.
Narito ang isang tanong na dapat isaalang-alang: "Ang pamumuno ba sa mga tao ay isang bagay na gusto ko lamang gawin, o ito ba ay bahagi ng kung sino ako"?
Ang iyong sagot ay mahalaga dahil maraming mga pinunong pinupuno ang kanilang mga plano para sa kaunlaran ng mga kailangang gawin: "Gusto kong may mas magawa kasama ang aking mga anak, gagawa ako ng mga kabutihan sa aking asawa, lalo ko pang palalakasin ang mga taong pinamumunuan ko." Gayunman, ang layunin ng mga pinaka-maimpluwensyang pinuno ay sino: "ako ay magiging isang inang mapagpasensya na lubos na nagmamahal, magiging isang asawang lalaki akong susuporta at magmamahal nang lubos sa aking asawa, magiging tagapamahala akong mamumuno sa pamamagitan ng halimbawa."
Ang mga pinaka-maimpluwensyang pinuno ay nagsisimula sa sino at hinahayaang dumaloy mula roon ang paggawa.
Maging sa pamantayang sekular, si Jesus ang masasabing pinaka-maimpluwensyang pinuno na nabuhay. Tatlong taon lamang siyang gumawa sa pampublikong lugar at sa panahong iyon ay nagkaroon siya ng libo-libong tagasunod. Makalipas ang dalawang libong taon, ang pinakamabentang aklat sa buong kasaysayan ay nagsasalaysay ng Kanyang buhay, at bilyong mga tao mula sa lahat ng sulok ng mundo ay nagtalaga ng buong buhay nila sa pagsunod sa Kanya.
Pitong beses sa aklat ni Juan, nagpahayag ng makapangyarihang sino ang mga pahayag si Jesus. Habang binabasa mo ang mga ito ngayon, mapapansin mong ang bawat pahayag ay ganap na dumadaloy mula sa Kanyang ginawa at patuloy na ginagawa sa ating mundo.
Kapag batid mo kung sino ka, malalaman mo kung anong kailangan mong gawin. Mas partikular dito, maaari mong tanungin ang sarili mo, "Anong nanaising gawin ng taong gusto kong maging?" Anumang mapagpasyahan mong gawin, ipapayo kong magsimula ka sa maliit. Ang maliliit na disiplinang ginagawa nang tuluy-tuloy ay magkakaroon ng malalaking resulta pagdating ng araw.
Kung nais mong maging isang pinunong kumakalinga, marahil ay susulat ka ng kahit isang liham na naghihikayat sa isang araw. Kung gusto mong maging isang taong maayos, marahil ay maaari kang magsimula sa pag-aayos ng iyong kama. Kung gusto mong maging isang pinunong sumusunod sa nais ng Diyos, marahil ay gugustuhin mong magsimula sa pakikipag-usap sa Kanya tuwing umaga. Gawin mo ang bagay na magdadala sa iyo sa kung sino ang nais mong maging bilang isang pinuno.
Makipag-usap sa Diyos: Diyos ko, nilalang Mo ako; kilala Mo ako. Maaari mo bang ibigay sa akin ang mga salita upang malaman ko kung sino ako at ang kalakasan upang malaman ang aking gagawin?
tingnan ang mga podcast ko tungkol sa pamumuno para sa iba pang katulad nito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Handa ka na bang lumago bilang isang pinuno? Binubuksan ni Craig Groeschel ang anim na mga hakbang na biblikal na maaaring gawin ng sinuman upang maging mas mabuting pinuno. Tuklasin ang disiplina upang makapagsimula, ang kalakasan ng loob upang huminto, isang taong pinalakas, isang sistemang nililikha, isang relasyong sisimulan, at ang pakikipagsapalarang kailangang harapin.
More