Anim na Hakbang Tungo sa Iyong Pinakamabuting PamumunoHalimbawa
Ang Kalakasan ng Loob na Huminto
Kung may sinumang ipinanganak na nagtataglay ng pamumunong nanggaling sa Diyos at may kahanga-hangang potensyal sa pangunguna, ito ay si Samson, ngunit ang kanyang buhay ay ganap na gumuho dahil kulang siya sa lakas ng loob na huminto.
Nagsimula itong lumala sa Mga Hukom 16:1 RTPV05: Minsan, si Samson ay nagpunta sa Gaza. Doo'y may nakilala siyang isang babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw. Siya ay nagpalipas ng gabi roon kasama ang babaing ito.
Ang Gaza ay 25 milya ang layo sa Zora na siyang bayan ni Samson. Ang Gaza ay himpilan ng mga Filisteo kung saan si Samson ay itinuturing na numero unong kaaway. Gayundin, noong nabubuhay pa si Samson, wala pang Uber. Kaya kinailangang maglakad ni Samson ng 25 milya patungo sa teritoryo ng kaaway upang puntahan ang babaeng bayaran.
Ito ay 56,250 na mga hakbang. Hindi agad-agad na winasak ni Samson ang buhay niya. Lumakad siya ng 56,250 na mga hakbang patungo sa maling direksyon.
Wala itong pinagkaiba sa ating mga koponan, mga samahan, sa ating karera, sa ating kalusugan, at sa ating mga pamilya. Hindi natin ginagawang biglaan ang pagkawasak. Ang nangyayari ay nagkakaroon ng isang maling pagpapasya, isang maling hakbang, isang maling gawi, sa bawat araw.
Kaya anong kailangan natin? Ang lakas ng loob na huminto. Na magsabi ng hindi. Na bawasan ang paggawa. Na pigilang gumawa pa ng isang hakbang tungo sa maling direksyon. Anong kailangan mo upang huminto?
Ito ay hindi tungkol sa paghinto ng isang bagay na alam na alam mong mali. Isa ka bang tagapamahala? Maaaring may isang ordinaryong pulong na maaari mong itigil. Kung may magagandang bagay kang ginagamit para sa mga katamtamang proyekto, hindi ka makakakita ng magagandang resulta. Anong mga proyekto ang kailangan mong ihinto? Anong mahahalagang gawain ang kailangan mong itigil upang lumago ka bilang isang pinuno? Upang mas may magawa ka bilang isang pinuno, maaaring kailangang bawasan mo ang mga ginagawa mo.
Maaaring hindi ito tungkol sa trabaho. Maaaring katulad ka ni Samson, at maaaring nakahakbang ka na ng isa, dalawa, o maaaring 2,000 mga hakbang patungo sa maling direksyon sa isang relasyon, isang gawi, o sa iyong kalusugan. Ganoon din dito—hindi pa huli upang magkalakas ka ng loob na huminto.
Isaalang-alang: Ayon sa gusto kong kahinatnan, anong kailangan kong lakas ng loob upang huminto? Anong mga pinagmumulan ng mga maling kinahinatnan? Anong mga kondisyon o mga lugar na nagdadala sa akin sa kapahamakan? Sinong maaaring tumulong sa akin upang huminto?
Lagyan ng pananda ang aming gabay para sa paggawa at pagpapatigil ng mga gawi .
Tungkol sa Gabay na ito
Handa ka na bang lumago bilang isang pinuno? Binubuksan ni Craig Groeschel ang anim na mga hakbang na biblikal na maaaring gawin ng sinuman upang maging mas mabuting pinuno. Tuklasin ang disiplina upang makapagsimula, ang kalakasan ng loob upang huminto, isang taong pinalakas, isang sistemang nililikha, isang relasyong sisimulan, at ang pakikipagsapalarang kailangang harapin.
More