Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Anim na Hakbang Tungo sa Iyong Pinakamabuting PamumunoHalimbawa

Six Steps To Your Best Leadership

ARAW 6 NG 7

Isang Pagkikipagsapalarang Kailangan mong Gawin

Isa ka mang kabataan, nasa kolehiyo, matagal nang nagtatrabaho, o retirado na, ngayon ang tamang panahon upang makipagsapalaran. Makipagsapalaran habang ikaw ay lumalago at kapag ikaw ay pababa na. Walang sinumang nakagawa ng isang bagay na dakila sa pamamagitan ng pagiging maingat. 

Hindi ko sinasabi sa iyong makipagsapalaran ka sa mga maling bagay. Huwag mong ipagsapalaran ang magagandang relasyon, huwag mong ipagsapalaran ang iyong kalusugan, at huwag mong sirain ang isang bagay na maayos ang pagpapatakbo. Ngunit, ano ang kuru-kurong mayroon ka? Anong kutob mo? Anong malalim na motibo ang nasa sa iyo? Makipagsapalaran ayon sa pananampalataya. 

Gusto ko ang sinabi ng dating presidenteng si Jimmy Carter, "Mangahas, umakyat sa sanga, naroon ang bunga." 

Maaaring narinig na ninyo ang tungkol sa mayaman ngunit mandarayang negosyante sa Biblia na umakyat sa sanga upang masulyapan man lang si Jesus. May hindi siya magandang reputasyon bilang pinuno ng mga naniningil ng buwis, at yumaman siya sa kanyang reputasyon. Isang araw, ipinagsapalaran niya ang kanyang reputasyon at ang kanyang buhay sa pag-akyat ng puno upang makita si Jesus. Nakita ni Jesus si Zaqueo, inimbitahan Niya ang sarili sa bahay nito, at ang buhay ni Zaqueo ay agad-agad na naging mas mabuti. 

Kung nais mong maging kung sino ka noon pa man, gawin mo ang dati mo nang ginagawa. Kung nais mong baguhin kung sino ka, baguhin ang ginagawa mo. Sa madaling salita, upang mabago ang bunga ng iyong buhay, maaaring kakailanganin mong magsapalaran.

Kailangan mo bang magsimulang sumulat ng isang aklat, imbitahan ang isang taong makipag-date, maglunsad ng bagong produkto, magsimula ng isang ministeryo, magsimulang magsimba, magsimula ng isang podcast, o kung anupaman? Naaayon sa kung saan ka dinadala ng Diyos, anong mga pakikipagsapalaran ang kailangan mong gawin?

Kumilos: Sabihin sa isang taong pinagkakatiwalaan mo ang tungkol sa pakikipagsapalarang nais mong gawin. Pagkatapos, gawin ang unang hakbang.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Six Steps To Your Best Leadership

Handa ka na bang lumago bilang isang pinuno? Binubuksan ni Craig Groeschel ang anim na mga hakbang na biblikal na maaaring gawin ng sinuman upang maging mas mabuting pinuno. Tuklasin ang disiplina upang makapagsimula, ang kalakasan ng loob upang huminto, isang taong pinalakas, isang sistemang nililikha, isang relasyong sisimulan, at ang pakikipagsapalarang kailangang harapin.

More

Nais naming pasalamatan si Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.craiggroeschel.com/