Anim na Hakbang Tungo sa Iyong Pinakamabuting PamumunoHalimbawa
Gawin Mo Ngayon
Huwag mong tapusin ang Gabay sa Bibliang ito nang walang ginagawang anuman tungkol dito. Ang mga pinuno ay kumikilos sa impormasyong humahantong sa pagbabago. Ano ba talaga ang susunod mong hakbang? Ang Diyos ay nakahandang gawin ang higit pa sa maaari mong hilingin, isipin, o gunigunihin, sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin.
- Ang Disiplinang Magsimula:Kapag kilala mo kung sino ka, o kung anong nais mong kahinatnan, batid mo kung anong gagawin mo. Naaayon sa gusto mong kahinatnan, anong disiplina ang kailangan mong simulan?
- Ang Kalakasan ng Loob na Huminto: Naaayon sa nais mong kahinatnan, anong kailangan mong ihinto? Huwag mo lang isipin ang tungkol sa mga negatibong bagay. Baka kailangan mo ring tumigil sa paggawa ng isang mahalagang bagay at ipaubaya ito sa iba.
- Isang Taong Bibigyan ng Kapangyarihan:Sinong bibigyan mo ng kapangyarihan? Huwag maging saklob para sa mga taong pinangungunahan mo. Maaari pa ngang mabigyan mo ng kapangyarihan ang isang taong gawin ang isang mahalagang bagay na nagkaroon ka ng kalakasan ng loob na ihinto.
- Isang Sistemang Lilikhain: Saan ka nakakakita ng tensyon?Nasaan ang mga problema sa pagsasaayos ng organisasyon? Anong sistema ang kailangan mong likhain upang makuha ang resultang ninanais mo?
- Isang Relasyong Sisimulan: Ayon sa nais mong kahinatnan, sino ang kailangan mong makatagpo? Anong pakikipag-ugnayan ang kailangan mong simulan? Maaaring isang ugnayan na lang ang kailangan para sa pagbabago ng takbo ng iyong tadhana.
- Isang Pakikipagsapalarang Kailangan mong Gawin: Ayon sa nais mong kahinatnan at sa gusto mong gawin, anong pakikipagsapalaran ang kailangan mong gawin? Kung lagi kang naghihintay hanggang sa ikaw ay maging handa na, lagi kang mahuhuli.
Kahuli-hulihan, maging kung anong pagkakalalang sa iyo ng Diyos. Mas gusto ng mga taong sumunod sa isang pinunong laging totoo kaysa sa isang pinunong laging tama.
Makipag-usap sa Diyos: Diyos ko, nagtitiwala akong gagawa Ka ng higit pa sa kaya kong gawin sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Maaari mo ba akong bigyan ng karunungan, kalakasan ng loob, at kalakasang gawin ang susunod na hakbang?
Tingnan ang aking mga mensahe tungkol sa Habits para sa higit na pagsulong.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Handa ka na bang lumago bilang isang pinuno? Binubuksan ni Craig Groeschel ang anim na mga hakbang na biblikal na maaaring gawin ng sinuman upang maging mas mabuting pinuno. Tuklasin ang disiplina upang makapagsimula, ang kalakasan ng loob upang huminto, isang taong pinalakas, isang sistemang nililikha, isang relasyong sisimulan, at ang pakikipagsapalarang kailangang harapin.
More