PagsisisiHalimbawa
Sa anong panig ka? Iyan ang tanong ni Hesus sa Lucas 13:1-8. Ikaw ba ay panig sa kabutihan o kasamaan? Ang kabutihan ay nagbibigay daan sa buhay na walang hanggan, habang ang kasamaan ay umaakay sa pagkawasak o kasiraan. Ang mensahe ni Hesus ay simple: ang dapat mo lamang gawin ay pagsisihan ang iyong mga kasalanan upang ikaw ay magkaron ng bagong buhay. Kung hindi ka magsisisi, ikaw ay masasawi. Hindi nais ng Diyos na tayo ay sirain, bagkus minahal Niya tayo at ibig Niyang tayo ay mamunga. Anong bunga ang iyong pasanin sa iyong buhay ngayon? Anu-ano ang mga kasalanang kailangan mong ihingi ng kapatawaran upang makapagsimula ka ng bunga na nais ng Diyos?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pagsisisi ay isa sa mga susing aksyon na ating ginagawa bilang pagkilala kay Kristo bilang ating personal na Tagapagligtas. Ang pagsisisi ay ang ating aksyon, at ang kapatawaran ang reaksyon ng Diyos mula sa kanyang perpektong pag-ibig para sa atin. Dito sa 5-araw na babasahing gabay, ikaw ay makatatanggap ng pangaraw-araw na babasahin mula sa Bibliya at isang maiksing debosyonal na sinulat upang ikaw ay tulungang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagsisisi sa ating paglalakbay kasama si Kristo.
More
We would like to thank LifeChurch.tv for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv