PagsisisiHalimbawa
Ang pagsisisi ay humahantong sa pagpapatawad. Tayo ay magsisisi at ang Diyos ay nagpapatawad. Ang pagsisisi at pagpapatawad ay hindi mahirap na mga konsepto. Ang pagsisisi ay ang ating aksyon at ang pagpapatawad ang reaksyon ng Diyos mula sa kanyang perpektong pag-ibig para sa atin. Habang ang proseso ay simple, ang kapangyarihan ng kapatawaran ng Diyos ay hindi kayang maarok. Nabubura ng pagpapatawad ng Diyos ang lahat ng kadiliman sa ating buhay at dinadala tayo nito sa kalinawagan kahit ano pa man ang mga kasalanang ating nagawa. Ang kapatawaran ng Diyos ay sakop LAHAT ng mga kasalanan kasama na ang mga iyo. Sa paanong paraan nabago at naapektuhan ang iyong buhay ng nakapangliligtas na kapangyarihan ng kapatawaran ng Diyos?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pagsisisi ay isa sa mga susing aksyon na ating ginagawa bilang pagkilala kay Kristo bilang ating personal na Tagapagligtas. Ang pagsisisi ay ang ating aksyon, at ang kapatawaran ang reaksyon ng Diyos mula sa kanyang perpektong pag-ibig para sa atin. Dito sa 5-araw na babasahing gabay, ikaw ay makatatanggap ng pangaraw-araw na babasahin mula sa Bibliya at isang maiksing debosyonal na sinulat upang ikaw ay tulungang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagsisisi sa ating paglalakbay kasama si Kristo.
More
We would like to thank LifeChurch.tv for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv