Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PagsisisiHalimbawa

Acts of Repentance

ARAW 4 NG 5

Naranasan mo na bang mawala? Maaring isa sa mga pinakanakapanglulumong pakiramdam ang hindi mo malaman kung saan ka patungo. Sa totoo lang, sa ibang sitwasyon ito ay nakakapangamba. Sa talata 25, tayo ay kinukumpara ni Pedro sa mga tupa na kung tayo ay namumuhay sa kasalanan, ay naliligaw at nawawala. Hindi natin alam kung saang dako tayo patungo, ngunit matapos pagsisihan ang ating mga kasalanan at matanggap ang pagpapatawad ng Diyos ay nakababalik tayo sa kawan na pinangungunahan ng Diyos ang ating pastol. Saan ka madalas naliligaw? Marahil ginagawa mo ang iyong makakaya upang manatili sa daan patungo sa Kanya ngunit ikaw ay nakakakalimot at nababalik sa mga pangalawang daan ng kasalanan sa iyong buhay. Ikumpisal mo ito sa Diyos. Pagsisihan mo ito ngayon at hingin mo ang tulong ng Diyos upang tuluyan mo itong mapagtagumpayan.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Acts of Repentance

Ang Pagsisisi ay isa sa mga susing aksyon na ating ginagawa bilang pagkilala kay Kristo bilang ating personal na Tagapagligtas. Ang pagsisisi ay ang ating aksyon, at ang kapatawaran ang reaksyon ng Diyos mula sa kanyang perpektong pag-ibig para sa atin. Dito sa 5-araw na babasahing gabay, ikaw ay makatatanggap ng pangaraw-araw na babasahin mula sa Bibliya at isang maiksing debosyonal na sinulat upang ikaw ay tulungang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagsisisi sa ating paglalakbay kasama si Kristo.

More

We would like to thank LifeChurch.tv for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv

Mga Kaugnay na Gabay