PagsisisiHalimbawa
Sinugo ng Diyos ang kaisa-isa Niyang anak na si Hesus sa mundo para sa pangunahing layunin: upang bigyan tayo ng bagong buhay. Sa Lucas 5:27-32, ipinahayag ni Hesus ang kanyang misyon: "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang sila'y magsisi." Dumating si Kristo upang ang mga makasalanang tulad natin ay magkaroon ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagsisisi at ng Kanyang pagpapatawad. Ang ating mga buhay ay magbabago magpakailanman kung tayo ay magsisisi at hihingi ng Kanyang kapatawaran. Ang misyon ni Hesus ay siya ring ating misyon. Tayo ay tinawag hindi upang makapangasiwa sa mga wasto, bagkus sa mga naliligaw at nangangailangan ng pagpapatawad. Kung ikaw ay buong pusong nagsisisi sa iyong mga kasalanan at ikaw ay pinatawad ng Diyos mula rito, maari mo itong ibahagi sa ibang nangangailangan ng kapatawaran. Ang pagbabago ng iyong buhay ay makapagdudulot ng kaparis na pagbabago sa buhay ng iba. Sino sa iyong mga kakilala ang nangangailangang magsisisi at makatanggap ng pagpapatawad ng Diyos? Gamit ang iyong personal na kwento ng pagpapatawad mula sa Diyos, sa papaanong paraan ka makatutulong sa ibang tao upang sila rin ay makapagsisi?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pagsisisi ay isa sa mga susing aksyon na ating ginagawa bilang pagkilala kay Kristo bilang ating personal na Tagapagligtas. Ang pagsisisi ay ang ating aksyon, at ang kapatawaran ang reaksyon ng Diyos mula sa kanyang perpektong pag-ibig para sa atin. Dito sa 5-araw na babasahing gabay, ikaw ay makatatanggap ng pangaraw-araw na babasahin mula sa Bibliya at isang maiksing debosyonal na sinulat upang ikaw ay tulungang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagsisisi sa ating paglalakbay kasama si Kristo.
More
We would like to thank LifeChurch.tv for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv