Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ika-2 na araw: Basahin ang Malakias 4:5
Bumalik tayo sa nakaraan, mga ilandaang taon bago ipinanganak si Jesus. Binigyan ng Diyos ang mga Propeta, tulad ni Elias, upang ihanda ang mga puso ng tao sa pagdating ni Jesus! Gusto Niya na magkaroon ang lahat ng pagkakataon na maniwala sa parating na Mesiyas, ang Tagapagligtas na lilinis ng kasalanan ng sinumang pipili sa Kanya. Kahit ngayon, hinahawakan Niya ang Kanyang mga anak na puno ng pagmamahal, nililinis ang kanilang kasalanan, nag-aalok ng pagkakataon na magkaroon ng relasyon sa Kanya, ang pagkikipagkaibigan sa Kanya na mas malapit pa kaysa anumang mga bagay. At alam mo ba? Siya ay muling babalik upang itama ang lahat at dalhin tayo sa Langit kasama Niya. Handa ka na ba?
Aktibidad: Gumawa ng Megaphone gamit ang paper towel o toilet paper tube. Ang unang pagdating ni Jesus, ang plano Niya na bigyan tayo ng pagkakataon upang maligtas sa ating kasalanan ay siyang dahilan ng pagdiriwang natin ng Pasko! Isang napakadakilang dahilan upang magdiwang! Siya ay muling darating anumang oras! Gamitin ang iyong megaphone upang ipahayag ang magandang balita tungkol kay Jesus sa lahat ng mga nakikinig! Magdiwang ngayong araw!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More