Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ika-25 Araw: Basahin ang Mateo 2:1-12
Hinanap ng mga Pantas si Jesus dahil gusto nilang sambahin Siya! Nais mo bang mamuhay tulad ng ginawa ng mga Pantas: ibigay ang lahat at maglakbay gaano man kalayo para lamang sambahin ang ating Tagapagligtas na si Jesus? Ako, sigurado akong gusto ko!
Gawain: Maglaan ng ilang panahon sa gitna ng mga abalang gawain para sa Araw ng Pasko upang sambahin si Jesus bilang isang pamilya. Pag-usapan Siya, sama-samang manalangin, kumanta ng mga papuri, basahin ang Kanyang Salita...gawin mo lang kung ano ang inilalagay ng Diyos sa iyong puso! Maligayang Pasko! Napakagandang araw para ipagdiwang ang Pag-ibig ni Jesus!
Mga posibleng gawain para sa mas matatandang bata:
Ang ilan sa mga pang-araw-araw na gawain na nakalista ay pinakamahusay na gumagana para sa mas bata. Kung gusto mong isama ang mga gawain ngayong buwan para sa iyong mga nakatatandang anak, nasa ibaba ang ilang ideya na maaaring ikatutuwa nila!
1. Gumawa ng isang pahayagan upang idokumento ang ilan sa mga kaganapan na nangyayari sa araw-araw na pagbabasa ng Banal na Kasulatan. Hayaang bigyan nila ang kanilang pahayagan ng isang nakakatuwang pangalan tulad ng "The Bethlehem Times" at magdagdag ng mga balita, patalastas, at mga larawan ayon sa kanilang nakikitang angkop dito. Maaari silang magdagdag dito nang paunti-unti ayon sa talata mula sa Banal na Kasulatan na nangusap sa kanila.
2. Sumulat ng tula o awit ng papuri sa Panginoon. Ito ay isang bagay na maaari nilang gawin sa buong buwan habang ang Diyos ay naglalagay ng mga salita ng papuri sa kanilang mga puso. Kapag natapos na ang mga ito, i-type ang kanilang likha at ilagay ito sa isang kuwadro upang idagdag bilang mahalagang alaala sa iyong palamuti sa Pasko. Maaari ka ring magkaroon ng pampamilyang programa para sa gabi ng Pasko kung saan ibinabahagi ng lahat ang kanilang mga likha kung nais ninyo.
3. Lumikha ng isang salt dough model o diorama sa isang kahon ng sapatos o takip ng kahon (maraming magagandang recipe ng salt dough online). Ang iyong anak ay maaaring gawin ito sa anyo ng tagpo ng Kapanganakan o marahil isang mapa ng paglalakbay na ginawa nina Maria at Jose kasama ang kanilang pagtungo sa Egipto pagkatapos ng kapanganakan ni Jesus upang takasan si Herodes. Hayaan silang maging malikhain sa abot ng kanilang makakaya!
4. Magpasulat sa iyong anak ng isang script upang isadula ang kuwento tungkol sa pagsilang ni Jesus. Isulat ito sa istilo ng screen-play na may iba't ibang bahagi at kapana-panabik na mga linya. Ang mga costume at props ay maaari ding gawin ng iyong anak!
5. Pagsama-samahin ang ilang pirasong papel upang makagawa ng isang Pamaskong aklat na nagdedetalye ng mga kaganapan sa kuwento ng kapanganakan ni Jesus. Ang bawat pahina ay maaaring isulat at ilarawan ng iyong anak at maaaring basahin taon-taon upang matandaan kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko!
Sana'y nagbigay ng kalakasan ng loob sa inyo ang Gabay na ito!I-click ang link na ito para makapaghanap pa ng karagdagang mga gawain, mga pwedeng i-print na mga pahina, mga kanta, at mga materyales mula sa Help Club for Moms sa Pang-Adbiyentong Gabay na ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More