Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa

Ika-23 na araw: Basahin ang Mga Taga-Filipos 2:6-11
Isang napakagandang regalo ang ibinigay sa atin ng Diyos nang Siya ay nanahan sa mundo, nagkatawang tao, nagpakasakit sa krus at namatay upang tayo ay mabuhay kasama Siya magpakailanman! Lubos ka Niyang minamahal. Pinili mo na bang sumunod sa Kanya? “Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas” (Mga Gawa 4:12 RTPV05).
Gawain: Napakarami nating dapat ipagpasalamat kay Jesus! Magkasamang manalangin at pasalamatan Siya sa pagliligtas sa atin! Nais nating alalahanin ang tunay na kahulugan ng Pasko ngayon at sa araw-araw! Upang tulungang tumimo sa iyong mga anak ang kuwento ng kapanganakan ni Jesus, isama sa oras ng laro ang pagkukuwento ng kapanganakan ni Jesus.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More