Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa

Ika-22 na Araw: Basahin ang Mateo 1:24-25
Sinasabi ni Jesus na Siya ang ilaw ng sanlibutan. Habang naglalakad tayo kasama Niya, hindi na natin kailangang mamuhay pa sa kadiliman! Ang bawat bahagi ng ating buhay ay maaaring mapuspos ng Kanyang maganda at maluwalhating liwanag! Paano mo pipiliing lumakad sa liwanag na iyon ngayon? Paano mo pasisikatin ang liwanag ni Jesus sa ibang tao na nasa iyong paligid?
Gawain: Magsindi ng ilang kandila at masdan kung paano mapuno ang silid ng isang mapayapang liwanag. Paano pa kaya ang kapangyarihan at kagandahan ng liwanag ni Jesus? Sama-samang kumanta ng ilang mga awiting Pasko sa liwanag ng kandila at sambahin si Jesus! Ang ilang ideya para sa mga awit ay "Joy to the World," "O Holy Night," "Angels We Have Heard on High," at "Silent Night."
*Tingnan ang ika-25 na araw ng gabay na ito para sa isang link sa mga kantang ito at iba pang mapagkukunan para sa gabay na ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More