Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa

Ngayon ay isang araw para humabol kung may nakaligtaang man na mga debosyonal kasama ang mga bata at mapasigla ang iyong puso sa pamamagitan ng Salita ng Diyos!
- Basahin ang Banal na Kasulatan para sa araw na ito at manalangin na mangusap ang Banal na Espiritu sa iyong puso. Hindi ba't napakagandang malaman na, bilang mga Cristiano, mayroon tayong katiwasayan ng buhay na walang hanggan kasama ni Jesus? Namatay Siya sa isang malupit na kamatayan, at kinuha ang lahat ng galit ng Diyos sa Kanyang sarili sa Krus upang tayo ay mapatawad, maging malaya, at makatiyak sa buhay kasama Niya pagkatapos nating mamatay.
- Manalangin at italaga ang iyong araw sa Diyos. Humiling sa Panginoon ng karunungan, kaalaman, kahabagan, biyaya, awa, pag-ibig, at pagpapatawad.
- Manalangin at hilingin kay Jesus na tulungan kang mahalin ang iyong pamilya at ang mga tao sa iyong buhay sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Hilingin sa Kanya na tulungan kang manatiling malapit kay Jesus at umasa sa Kanya para sa lahat ng bagay at huwag subukang gumawa ng anuman sa iyong sarili, at para sa pananampalataya sa pagkaalam na tutulungan ka Niya sa kung ano man ang iyong kinakaharap ngayon o sa hinaharap. Hindi ka nag-iisa Nanay! Si Jesus ay laging kasama mo! (Juan 15:5)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More
Nais naming pasalamatan ang Help Club for Moms sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://helpclubformoms.com