Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ngayon ay isang araw para humabol kung may nakaligtaang man na mga debosyonal kasama ang mga bata at mapasigla ang iyong puso sa pamamagitan ng Salita ng Diyos!
- Basahin ang Banal na Kasulatan ngayon at ipanalangin na magsalita sa iyong puso ang Banal na Espiritu. Ang Pasko ay isang perpektong okasyon upang ibahagi si Cristo sa iyong mahal sa buhay na hindi pa tinatanggap si Jesus bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas. Manalangin sa Espiritu Santo na ilapit ang taong ito sa Diyos.
- Ipanalangin at ipagkatiwala ang iyong araw sa Diyos. Humingi sa Diyos ng karunungan, kaalaman, at pagkahabag.
- Ipanalangin ang iyong asawa at mga anak na tanggapin si Jesus kung hindi pa nilaito nagagawa, at ipanalangin na nawa'y gabayan sila ng Espiritu Santo patungo sa katotohanan. Kung sila ay tumanggap na, ipanalangin sila na mamuhay para sa Diyos at sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More
Nais naming pasalamatan ang Help Club for Moms sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://helpclubformoms.com