Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa

Children's Advent House

ARAW 17 NG 25

Ika-17 na araw: Basahin ang Lucas 2:1-5

Si Jesus ay malapit nang ipanganak! Ngunit kailangan ni Jose at Maria na maglakbay patungong Bethlehem para maabutan ang sensus (pagbibilang ng mga tao sa bawat bayan). Naiisip mo ba kung gaano kahirap maglakbay ng napakalayo sakay lamang sa likod ng isang asno? O paglalakad katabi ang asno, gaya ng ginawa ni Jose, pinangungunahan ang asno kung saan ito tutungo. Kinailangan nilang maglakad ng ilang araw upang marating ang Bethlehem. Pagod na pagod siguro sila!

Aktibidad: Magpanggap tayo bilang sina Jose at si Maria at gawin natin ang paglalakbay na kanilang ginawa! Mag-empake at kunin ang iyong asno (gamitin ang isang paper tube bilang asno), at magpanggap tayo na gawin ang paglalakbay papuntang Bethlehem kasama ang isa't-isa!

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

Children's Advent House

Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!

More

Nais naming pasalamatan ang Help Club for Moms sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://helpclubformoms.com