Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ika-16 na araw: Basahin ang Micah 5:2
Saan sinabi ng bersikulong ito na ipanganganak si Jesus? Ang propesiyang ito ay naisulat ilandaang taon bago naipanganak si Jesus. Ang Diyos ang nagplano ng lahat ng mga kaganapan na nakapalibot sa pagkakapanganak ni Jesus ( ang sensus, ang paglalakbay nina Jose at Maria papuntang Bethlehem, at iba pa) para mangyari ang lahat ayon sa Kanyang plano! Ang ating Panginoon ay kahanga-hanga, at ang nakakaalam ng lahat! Ginagawa Niya ang mga bagay na Kanyang Sinabi!!
Aktibidad: Sabay-sabay na awitin ang "O Little Town of Bethlehem". Maaari ka ring gumawa ng instrumento gamit ang kaldero, kawali at kutsara para samahan ang iyong awit.
*Siguraduhing bisitahin ang Ika-25 na araw ng planong ito para sa link ng kantang ito at iba pang resources ng planong ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More