Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ika-15 na araw: Basahin ang aklat ng Mateo 1:24-25 (Paunawa: Ang unang parte ng bersikulo 25 ay nagbanggit ng pagsasakatuparan ng pagiging mag-asawa nina Maria at Jose. Kung hindi mo gustong talakayin ang kahulugan ng katagang ito, basahin na lamang ang dulo ng bersikulo). Ginawa ni Joseph ang eksaktong iniutos sa kanya ng anghel. Nahihirapan ka bang sumunod sa Diyos?
Aktibidad: Ang Diyos ay may kahanga-hangang plano sa iyong buhay! Magdasal at hilingin sa Diyos ang tulong upang patuloy kang sumunod sa Kanya! Kausapin ang iyong mga magulang tungkol sa mga bagay na nahihirapan kang sumunod. Alam mo ba na kahit ang iyong mga magulang ay kailangang sumunod sa Diyos, at alam nila kung gaano mapaghamon ang pagsunod! Ang iyong mga magulang ay maaring makatulong at hikayatin ka habang lumalago ka sa pagsunod sa Diyos! Sa tulong nila, sumulat ng plano kung papaano mo susundin ang Diyos sa mga bagay na nahihirapan ka.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More