Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ika-3 na araw: Basahin ang Lucas 1:11-20
Si Zacarias at ang kanyang asawa ay napakatanda nang ipadala ng Diyos ang kanyang anghel upang iparating sa kanila na ang kanyang asawa ay magdadalang-tao—isang napaka-espesyal na sanggol na siyang maghahanda ng daan para kay Jesus! Sa Panginoon, ang lahat ay posible! Gayunpaman, hindi naniwala si Zacarias na magagawa ng Diyos na bigyan siya ng isang napakagandang himala sa kanyang buhay. Anong nangyari kay Zacarias sa kanyang pagdududa?
Aktibidad: Sumulat ng ilang salita sa isang piraso ng papel (mga hayop, palakasan o sports, mga istoryang paborito ng iyong mga anak). Hayaan ang iyong anak na pumili ng papel at iakto ang anumang nakasulat upang mahulaan ng iba. Hindi ba mas mahirap makipag-usap lalo na at hindi ka makapagsalita? Ano sa tingin mo ang naramdaman ni Zacarias?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More