Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ika-8 na araw: Basahin ang Lucas 1:39:45
Kahit noong hindi pa naipapanganak si Juan, alam na niya kung sino ang kanyang Tagapagligtas na si Jesus! Ang mga sanggol ay kamangha-mangha at napakahalaga sa Diyos simula nang sila ay nasa sinapupunan pa lamang!
Aktibidad: Tumingin ng mga ultrasound o mga larawan ng iyong anak nung sila ay kapapanganak pa lamang. Talakayin kung paanong nilikha ng Diyos ang bawat sanggol na espesyal at mahalaga. Sumangguni sa Mga Awit 139:13-18 para sa isang napakagandang talata tungkol sa pagbubuo ng Diyos ng bawat sanggol sa sinapupunan ng kanilang ina. Kausapin ang iyong mga anak kung gaano kahalaga na pahalagahan ang bawat sanggol dahil sila ay espesyal na nilalang ng Diyos!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More