Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ika-12 na araw: Basahin ang Mateo1:20-21
Ano ang sinabi ng anghel kay Jose na ipangalan sa sanggol? Jesus! Ang ibig sabihin ng pangalang "Jesus" ay "Tagapagligtas". Ibinigay ito sa ating Diyos dahil " ililigtas Niya ang Kanyang mga anak mula sa kanilang kasalanan" (Mateo 1:21). Napakagandang pangalan, pangalan na pupuno ng pagmamahal sa ating puso at papuri galing sa ating mga labi!
Aktibidad: Gumawa ng dekorasyon sa Christmas tree para kay Jesus. Gawing simple o kumplikado base sa iyong kagustuhan! Narito ang ilang mga ideya. Kumuha ng bumbilya galing sa iyong Christmas tree at mga permanent markers. Hayaan ang iyong anak na isulat ang pangalan ni Jesus sa bumbilya at dekorasyonan ito base sa kagustuhan niya. Maari ring gumupit ng bilog gamit ang construction paper, pagdikitin ang ilang popsicle stick sa hugis na "X" upang magsilbing sabsaban para kay Hesus. Sa itaas ng "X", magdikit ng mga pinutol na damo galing sa labas. Sumukat ng isang pulgada mula sa dulo ng isang popsicle stick at putulin ito. Guhitan ng mukha sa dulo at balutin ang kalahating bahagi nito ng tissue paper o tela upang magsilbing kumot. Idikit ang nagawang sanggol na Jesus sa sabsaban at lagyan ng tali sa taas nito upang maisabit sa iyong Christmas tree.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More