Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ika-10 na araw: Basahin ang Lucas 1:57-64
Ang anak nina Elisabet at Zacarias ay naipanganak na! Ano ang ipinangalan sa kanya? Noong lumaki si Juan, ang kanyang natatanging trabaho ay ang pagpapalaganap ng napakagandang balita tungkol sa pagkakapanganak ni Jesus, ang Diyos na nagkatawang tao, ang Tagapagligtas ng buong sanlibutan! Paano mo maipapakalat ang napakagandang balita tungkol sa ating tagapagligtas na si Jesus ngayong Pasko?
Aktibidad: Gumawa ng Christmas card para sa iyong kaibigan at ibahagi sa kanila ang tungkol kay Jesus. Maaari mo ring ilagay sa iyong card ang susunod na bersikulo para ibahagi ang napakagandang balita tungkol kay Jesus. Juan 3:16 "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More