Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa
Ika-9 na araw: Basahin ang Lukas 1:46-49
Sa mga bersikulong ito, pinupuri ni Maria ang Diyos sa napakadakilang regalo na hindi lamang Niya ibinigay sa kanya kundi para rin sa buong mundo. Napakarami niyang mga dahilan na matakot sa kung ano ang ibig sabihin ng pagbubuntis na ito para sa kanya, ngunit pinili niyang magtiwala sa Diyos at purihin Siya! Makakapagbigay ka ba ng mga sitwasyon kung saan magtitiwala ka sa Diyos sa mas malalim na paraan? Paano ka pipili na mamuhay ng puno ng papuri para sa ating Diyos?
Aktibidad: Magdikit ng isang pirasong papel sa iyong refrigerator o sa iyong pader at gumawa ng listahan sa buong araw ng mga bagay na mapapapurihan ang Diyos! Ang pagbubuo ng pusong puno ng papuri para sa Diyos ay isang napakagandang bagay!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!
More