Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbyentong Tirahan ng mga KabataanHalimbawa

Children's Advent House

ARAW 4 NG 25

Ika-4 na Araw: Basahin ang Isaias 7:14

Ang ibig sabihin ng Emmanuel ay "Ang Diyos ay kasama natin." Maniniwala ka ba na mahigit 700 taon bago isinilang si Jesus, nagpadala ang Diyos ng propeta para sabihin sa mga tao na magpapadala Siya ng Tagapagligtas, literal na Diyos sa anyo ng tao upang iligtas ang lahat ng nagmamahal sa Kanya? Pinaplano na ng Diyos ang iyong pagliligtas mula pa noong pumasok ang kasalanan sa mundo! Mahal na mahal ka Niya!

Gawain: Sa isang pirasong papel, gamit ang marker, isulat ang Emmanuel sa Hebreo (צּמּנוּאַל) at ang ibig sabihin nito, “Ang Diyos ay kasama natin.” Siya ay walang hanggan! Lagyan ng dekorasyon ang pahina gamit ang mga watercolor paint o anumang art supplies na mayroon ka!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Children's Advent House

Mga mahal na Ina, ang panahon ba ng kapaskuhan ay tila dumarating na puno ng pananabik at kaguluhan? Ang taon na ito ay maaring maging iba. Tuklasin ang kayamanan ng pag-ibig ni Cristo para sa iyong mga anak ngayong Pasko! Ang Adbiyentong Tirahan para sa mga Kabataan ay isang napakagandang debosyonal, kasama ang ilang mga Advent House printables para tulungang turuan ang iyong mga anak na buksan ang kanilang puso para sa Diyos at gawing makabuluhan ang inyong Pasko!

More

Nais naming pasalamatan ang Help Club for Moms sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://helpclubformoms.com