Ang Paglago Sa PananampalatayaHalimbawa
ANG MALIIT NA HAKBANG NG PANANAMPALATAYA
Marcos 3: 1-12
Ang pananampalataya ay isang paglalakbay. Hindi mo magagawa kaagad na magkaroon ng isang malakas at malaking pananampalataya. Upang magkaroon ng gayong pananampalataya, dapat kang maglakas-loob na humakbang ng isang maliit na hakbang. Kadalasan, napakahirap gawin ang maliit na hakbang na ito at maraming mga tao ang nabigo sapagkat hindi nila ito ginawa.
Ang Marcos 3: 1-6 ay nagsasabi tungkol sa paggaling ng isang lalaki na may tuyong kamay. Ang pangyayaring ito ay tiyak na radikal na binago ang buhay ng lalaki. Gayunpaman, saan nagsimula ang mga pagbabago? Sinimulan ito sa isang maliit na hakbang na ginawa ng lalaki nang sabihin ni Jesus, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling.. (taludtod. 5).
Maraming tao ang nais na maniwala kay Jesus sa pamamagitan ng pag-alam ng lahat nang maaga. Ang pagsunod kay Jesus ay hindi sa ganoong paraan. Hindi tayo pwedeng maghintay na malaman ang lahat bago tayo sumunod kay Jesus! Hindi iyon ang kahulugan ng pananampalataya.
Sino sa atin ang nakakaalam ng mga kumplikasyon ng kuryente? Marahil, karamihan sa atin ay hindi alam. Gayunpaman, tiyak na hindi natin nais na umupo lamang sa dilim, dahil wala pa tayong alam tungkol sa kuryente. Mayroong dalawang bagay lamang na kailangan nating malaman: kailangan natin ng ilaw, at ang kuryente ay ang siyang magbibigay ng ilaw na iyon. Ito ang dahilan kung bakit ginagamit natin ang kuryente.
Hindi rin natin masyadong alam kung paano gumagana ang ating mga digestive organ. Hindi natin maintindihan kung paanong ang mga pagkain ay nakukuha ng dugo, buto at iba pang tisyu. Gayunpaman, mayroon ba sa atin na nagtitiis ng gutom sa kadahilanan na hindi natin alam kung paano tunawin ang pagkain?
Ang unang hakbang ay maliit at simple. Gayunpaman, huwag itong isipin bilang isang bagay na walang halaga at madali. Sinabihan ni Jesus ang lalaking paralisado ang kamay na iunat ang kanyang kamay. Marahil madali ito para sa atin, ngunit maaaring hindi ito isang madaling bagay para sa kanya. Kailangan niyang iunat ang kanyang pilay na kamay! Dapat siyang maniwala na kayang gawin ni Jesus ang imposible.
Ang pananampalataya ay hindi nagsisimula sa kaalaman, kundi sa lakas ng loob. Hindi tayo dapat matakot na gawin ang mga unang maliliit na hakbang upang manampalataya.
Debosyonal ngayon
1. Paano lalago ang ating pananampalataya?
2. Naaalala mo ba ang mga munting hakbang ng pananampalataya na ating nagawa? Ano ang resulta?
Mga Dapat Gawin Ngayon
Madali para sa atin na gawin ang nais ng Diyos kung ang motibasyon natin ay ang ating pangangailangan. Gawin natin ang lahat ng mga bagay alinsunod sa Kanyang kalooban.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Katulad ng isang puno na lumalago at namumunga, ganoon din ang ating pananampalataya sa Diyos. Kailangang patuloy na lumago at mamunga ng Banal na Espirito ang ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng debosyonal na ito, matututunan natin kung paanong palaguin ang ating pananampalataya sa lahat ng sitwasyon ng buhay na mayroon tayo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg