Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglago Sa PananampalatayaHalimbawa

Ang Paglago Sa Pananampalataya

ARAW 5 NG 5

PANANAMPALATAYA AT GAWA

Santiago 2: 14-16

Maaaring malito tayo sa pananampalataya at mga gawa. Binibigyang diin ng aklat ng Roma na tayo ay pinaging dapat sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng mga gawa. Sa kabilang banda, iginiit ni Santiago na ang pananampalatayang walang mga gawa ay patay. Ginagamit pa ng ilang tao ang dalawang talatang ito upang salungatin ang katotohanan sa Biblia.

Kapag nahaharap tayo sa tila magkasalungat na mga pahayag sa Biblia, dapat nating subukang "ayusin" ang mga ito. Nangangahulugan na hindi natin  ito dapat makita bilang isang kontradiksyon, kundi bilang isang bagay na nagkukumpleto sa bawat isa. Kung gayon, paanong ang pananampalataya at mga gawa ay umaakma sa bawat isa?

Ipagpalagay na mayroong isang babaeng ikakasal at nabuntis. Magrerelaks lang ba siya, magpapa easy-easy, walang gagawin, mananahimik, at maghihintay hanggang maipanganak ang sanggol? Syempre hindi, di ba? Ang pagbubuntis mismo ay nagpapabago sa pagkain ng ina, pamumuhay, at mga pattern sa pagtulog. Ang kanyang buong pattern ng buhay ay ganap na nabago mula nang malaman niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ang ina ay nagbabago at umaangkop sa pagbubuntis bilang paghahanda sa pagsilang ng sanggol

Ang isang mananampalataya ay hindi naiiba  sa buntis na babae sa itaas. Nagbubuntis tayo sa binhi ng Salita ng Diyos - ang binhi ng mga pangako ng Diyos. Tulad ng buntis na babae, imposible para sa atin na basta maging mahinahon at maghintay na lamang para sa katuparan ng pangako na parang babagsak na lamang mula sa kalangitan. Ang pananampalataya, ay tulad ng pagbubuntis, at hindi maiiwasang mabago ang ating buong pamumuhay at ang ating mga gawi. Kung hindi ito maalagaan at mapanatili ng wastong "gawi", ang binhi ng pananampalataya ay maaaring malaglag - at hindi natin masasaksihan ang katuparan ng mga pangako ng Diyos. Sa kabaligtaran, pinasisigla tayo ng ating pananampalataya na isabuhay ito na parang ito ay tinanggap na natin. Samakatuwid, tayo ay seryoso sa ating panananampalataya. Pinapatunayan natin sa ating mga kilos at gawa ang ating pananampalataya. Ang ating mga gawa ay katibayan ng ating pananampalataya. Ang deklarasyon na walang tunay na gawa ay gaya ng deklarasyon na isang kathang-isip lamang. Ang paggawa ng isang bagay nang hindi kinikilala ay miserable sa isang tao.

Samakatuwid, ang pananampalataya ay dapat na sinasamahan ng gawa. Ang ating mga gawa ay nagiging patunay o katibayan ng ating pananampalataya.


Debosyonal ngayon

1. Mayroon ba tayong pananampalataya sa Panginoong Jesucristo?

Ano ang ginagawa natin bilang katibayan ng ating pananampalataya?

2. Paano makakaapekto ang ating mga kilos sa pananampalataya ng isang tao?


Mga Dapat Gawin Ngayon

Mayroon ba kayong pananampalataya? Kung oo, kung ganoon hindi ka dapat umupo lamang – kumilos ka!


Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Paglago Sa Pananampalataya

Katulad ng isang puno na lumalago at namumunga, ganoon din ang ating pananampalataya sa Diyos. Kailangang patuloy na lumago at mamunga ng Banal na Espirito ang ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng debosyonal na ito, matututunan natin kung paanong palaguin ang ating pananampalataya sa lahat ng sitwasyon ng buhay na mayroon tayo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg