Ang Paglago Sa PananampalatayaHalimbawa
BAKIT?
Santiago 1: 1-4
Bilang isang bata, halos lahat tayo ay dumaan sa aspeto ng pagtatanong ng, "Bakit?". Anumang sagot ang ibinibigay natin sa kanila, ang mga bata ay patuloy na bumabalik at nagtatanong, "Bakit?". Kahit na sinubukan nating maging matiyaga sa pagbibigay ng kasagutan na maiintindihan ng mga bata, sasagot lamang sila ng, "Oh, ganoon pala."
Kadalasan ginagawa din ito ng mga anak ng Diyos. Tulad ng mga bata, nagtatanong tayo, "Bakit?" kapag nakakaranas tayo ng malungkot at mahirap na mga bagay sa ating buhay. Akala natin kaya nating makontrol ang sitwasyon kung alam natin ang dahilan (kung 'bakit'). Sa madaling salita, iniisip natin na kung alam natin ang layunin ng Diyos sa isang sitwasyon, mas madali para sa atin na mabuhay dahil sigurado tayo na ang ating kapighatian ay isang plano.
Maaaring hindi natin makita ang layunin ng Diyos sa mga problemang nararanasan natin. Kapag hindi Niya ipinahayag sa atin ang Kanyang mga hangarin, inaasahan tayong magpursige sa pananampalataya at sa halip na pagtuunan na unawain ang sitwasyon. Tinitiyak sa atin ng talata sa itaas na ang lahat ng nangyayari sa atin ay may layunin. Anuman ang layunin nito para sa bawat isa sa atin, alam natin na ang pangkalahatang layunin nito ay upang turuan tayo, ihanda tayo, at palakasin tayo upang mabuhay nang matagumpay sa pananampalataya.
Gayunpaman, dapat nating laging tandaan na ang pagtuturo sa atin upang maging perpekto tulad ni Cristo ay hindi natatapos. Patuloy tayong makikipagbuno sa isang kahirapan patungo sa isa pang kahirapan hanggang sa bumalik tayo sa ating Ama sa langit. Huwag asahan ang isang bakasyon mula sa lahat ng mga pagsubok habang narito pa rin tayo sa mundong ito.
Samakatuwid, tuwing naiisip nating tanungin, "Bakit?" sa Diyos, alalahanin ang katotohanan ng talata mula sa aklat ni Santiago sa itaas. Ito ay bahagi ng plano ng Diyos upang tayo ay lumago. Hindi natin alam kung bakit, ngunit maaasahan natin na ito ay bahagi ng plano ng Diyos sa ating paglalakbay sa pananampalataya.
Debosyonal ngayon
1. Magbanggit ng isang halimbawa kapag nagtatanong tayo ng "Bakit?".
Kailan mo naintindihan ang layunin ng Diyos sa isang pagsubok?
2. Ano ang ating saloobin matapos maunawaan ang layunin ng Diyos sa mga bagay na nangyayari sa atin?
Mga Dapat Gawin Ngayon
Tandaan na hindi tayo iiwan ng Diyos nang mag-isa sa ating pakikibaka. Magpasalamat na ang Kanyang presensya at pangangalaga sa atin ay hindi batay sa emosyon, kundi sa katapatan na tuparin ang Kanyang mga pangako sa atin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Katulad ng isang puno na lumalago at namumunga, ganoon din ang ating pananampalataya sa Diyos. Kailangang patuloy na lumago at mamunga ng Banal na Espirito ang ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng debosyonal na ito, matututunan natin kung paanong palaguin ang ating pananampalataya sa lahat ng sitwasyon ng buhay na mayroon tayo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg