Ang Paglago Sa PananampalatayaHalimbawa
TAPUSIN NATIN NANG MAHUSAY
2 Timoteo 4: 1-8
Sinasabi sa atin ng Biblia na si Saulo, na kilala sa paglaon bilang Pablo, ay isang mang-uusig ng mga mananampalataya (Fil 3: 6). Sa kanyang kasigasigan, nagbigay siya ng maraming kapighatian at sakit sa mga naunang Iglesia. Gayunpaman, ang engkwentro niya sa Panginoong Jesus ang himalang bumago sa kanya. Matindi ang kanyang naging pagbabago, binago siya mula sa isang malupit na tagapag-usig tungo sa isang tapat na lingkod na nagbuhos ng dugo hanggang sa katapusan ng kanyang buhay.
Lahat tayo ay may nakaraan. Ang ating mga nakalipas ay maaaring maganda, pangkaraniwan, o maaring madilim. Anuman ang dati nating kundisyon, hindi ito makakaapekto sa ating kasalukuyang pagpapasakop sa Panginoon. Ang ating paglalakbay sa buhay ay nagbabago kapag tayo ay nanampalataya at tinanggap si Cristo bilang ating Panginoon. Ang ating pagkatao ay nababago araw-araw sa pamamagitan ng ating iba't ibang mga espirituwal na karanasan. Pwede tayong mabuhay at maging isang mabuting tao sa tulong ng Banal na Espiritu na ipinagkaloob sa atin bilang ating gabay at tulong.
Maaaring tayo ay mayroong masama at madilim na nakaraan. Sa ating nakaraan, maaaring nasiyahan tayong mamuhay sa madilim na kasalanan. Maaaring nanloko tayo, nalulong sa droga, nabuhay sa mundo ng kadiliman, kasiyahan, at iba pa. Maaaring naging biktima tayo ng karahasan sa ating tahanan, biktima ng pagtatakwil, biktima ng diborsyo, at iba pa. Ang mga karanasang ito ay hindi magiging hadlang para sa atin. Iniligtas tayo ng Diyos para sa Kanyang gawain. Inaasahan pa rin tayo ng Diyos na lumago sa ating pananampalataya at kaalaman tungkol sa Kanya. Nais pa rin Niyang maging mabunga tayo para sa Kanya.
Hindi natin mababago kung paano natin sinimulan ang ating buhay. Ito ay nakalipas na. Anuman ito, ang pinakamahalagang bagay para sa atin ay mamuhay tayo nang maayos na may pananampalataya kay Cristo. Ang mahalaga ay kung paano natin tatapusin ang ating takbuhin ng pananampalataya sa paraang angkop sa ating mga mananampalataya.
Debosyonal ngayon
1. Kumusta ang ating nakaraan? Ito ba ay maganda, masama, mahirap, o madilim? Nakagagambala ba ito sa ating hakbang ng pananampalataya ngayon?
2. Paano tayo mamumuhay patungo hanggang sa katapusang linya?
Mga Dapat Gawin
Gawing aral ang nakaraan upang maging mas mabuting tao ngayon at sa hinaharap.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Katulad ng isang puno na lumalago at namumunga, ganoon din ang ating pananampalataya sa Diyos. Kailangang patuloy na lumago at mamunga ng Banal na Espirito ang ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng debosyonal na ito, matututunan natin kung paanong palaguin ang ating pananampalataya sa lahat ng sitwasyon ng buhay na mayroon tayo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg