30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
"Na ang gawa ng Diyos ay mapasakanya" Juan 9:3 ESV Apat na taon na ang nagdaan nangbdinala ko limang buwang gulang kong anak sa doktor. Minsan pumupunta ako sa maraming doktor sa loob lang ng isang araw. "Nag-ngingipin sya." sabi nila. "May reflux sya." sabi ng iba. "Hindi ako masyadong nababahala." sabi naman ng iba. Ngunit alam ko saaking puso may mali. Nang umuwi ang aking asawa galing sa trabaho, dumeretso agad kami sa emergency room. Matapos ang isang oras nang paghihintay, nag-cardiac arrest ang puso ng anak ko. Sa loob ng ilang buwan ay dumaan sya sa iba't ibang operasyon at kinakailangan syang gumamit ng life support at ventilators. Ito marahila ang pinaka madilim na yugto ng aking buhay ngunit ito rin ang yugto ng buhay ko na napalapit ako ng husto sa Diyos. Si Lauren ay nakitaan ng madalang na uri ng depekto sa puso na wala manlang kahit anong sintomas. Malusog sya sa paningin ng mga doktor ngunit alam ng Diyos na may mali. Ginawa ng Diyos na ganito ang aking anak. Alam kong may plano Siya sa anak ko na mabuti. Hindi natin naiintindihang ang mga "imperfections" ay parte ng mas malaking plano ng ating Panginoon. Napakahirap mang tanggapin nito sa akin bilang isang ina, alam kong ang Diyos ay mabuti at magdadala ng maraming nananampalataya sa ngalan Niya. Ang kadiliman na ating nakikita at ang paninisi na madalas nating binibigay sa iba ay hindi dapat natin pagtuunan ng pansin. Ang bulag na tao na pinagaling ng Diyos ay hindi nabulag dahil sa siya ay makasalanan bagkus para ang Diyos ang magbigay daan sakanya upang siya ay makakita. Ang taong iyon ang nagbigay puri sa Panginoon at isang buhay na patotoo ng kanyang kadakilaan hanggang sa ngayon. May plano ang Diyos para sa mga perpekto at imperpekto. Papurihan ang Diyos sa lahat ng Kanyang gawa.
gawa ni @amandaarneill.isinalingbwika ni @ariellejezzettemc
gawa ni @amandaarneill.isinalingbwika ni @ariellejezzettemc
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com