30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.
Psalm 23:1
"Kung makakapunta ka ng langit, na walang sakit, at kasama mo ang lahat ng naging kaibigan mo sa mundo, at lahat ng pagkaing nagustuhan mo, at lahat ng gawaing kinaaliwan mo, at lahat ng natural na kagandahang nakita mo, lahat ng pisikal na kasiyahang natikman mo, at walang away o anumang sakuna, makukuntento ka ba sa langit kung wala doon si Kristo?" Nang mabasa ko ang sulat na ito na galing kay John Piper ilang taon na ang lumipas, ang mundo ko'y parang bumaliktad. Naisip ko na kaya kong makuntento sa ibinibigay ng mundo kahit na wala doon si Kristo. At kaya napansin ko na, kahit na patuloy akong naglilingkod sa simbahan, nangunguna sa iilang pag aaral ng Bibliya at nakasama na rin sa mga misyon. Hindi ako tunay na kawan ng Diyos dahil hindi ko tunay na mahal ang Panginoon.
Ilang buwan pagkatapos ng araw na iyon, binigyan ni Hesus ng bagong buhay ang aking puso. Ngayon, ang isinulat ni David na "hindi ako mangangailangan" ay lubos na tumatak sa akin. Higit pa sa lahat ng aking pangangailangan, higit pa sa pag aalaga sa akin, pagbabantay sa akin, at pag gabay sa akin, si Hesus mismo ang kataas-taasang kagalakan ng aking kaluluwa at ang aking lahat-lahat. Ito ang Mabuting Pastol ay para sa lahat ng na kay Kristo. Nawa'y magkaroon tayo ng higit na kagalakan dahil tayo'y kasapi Nya!
by @handletteringco translated by @joannessi_

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com