Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

ARAW 22 NG 30

"Mawawala na ang kamatayan."
Pahayag 21:4 SND

Kailan ka huling tumigil upang pag-isipan ang katotohanan ng kamatayan?

Iyon ay isang bagay na hindi natin ikinaliligayang pag-isipan para sa mabuting dahilan. Isang trahedya, pagkakahiwalay, paglisan, pag-iwan, pagkawala — may marka nito ang lahat ng mali sa ating mundo at naglalabas ng lahat ng ating pinakamadilim na emosyon. Ito'y isang katotohanan na tayong lahat ay kahati. Ipinapaalala sa atin sa Roma, sa kapitulo 5, “Sa pamamagitan ng isang tao, pumasok ang kasalanan sa sanlibutan. Dahil sa kasalanan nagkaroon ng kamatayan at ang kamatayan ay dumating sa lahat ng tao sapagkat nagkasala ang lahat.” Malinaw nating nakikita ang kapahamakan ng kasalanan sa dalang sakit at kirot ng kamatayan. Nararamdaman natin ang kamalian nito bilang mga tagapagdala ng larawan ng Walang Hanggang Diyos ng Buhay. Sa tuwing tayo ay nakakatagpo ng kamatayan sa ating buhay, ang ating mga kaluluwa ay matunog na umiiyak ng: “Hindi ito dapat mangyari!”

Pero mananampalataya hindi tayo dito titigil sa pag-iisip patungkol sa katotohanan ng kamatayan. Ating ulitin ang sinabi ni Apostol Pablo sa Roma 7:24 — “O, ako ay taong abang-aba. Sino ang magliligtas sa akin sa katawang ito na gumagawa patungong kamatayan?” — ang sagot ay madali na may pagsamba “Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Hesu Kristo na ating Panginoon!”

Dahil mayroon tayong Tagapagligtas na umako ng ating kamatayan upang ating malaman ang Tunay na Buhay; isang ganap na Hari na nagsakripisyo ng Kanyang trono, ang Kanyang walang katapusang pagsama at walang humpay na ligaya, upang pumasok sa panahon at magdusa para sa lahat ng ating mga kasalanan at muling nabuhay ng may pagtatagumpay mula sa mga patay; ang walang dungis na Cordero na umako ng ating nakasisindak na kaparusahan para sa ating mga nakakikilabot na mga kasalanan Ang maluwalhating Manunubos, Siyang umako ng ating kahihiyan at ibingay sa atin ang kanyang halaga at buhay; isang buhay na kahit kailan ay hindi natin karapatdapat na tanggapin, ngunit ngayon siyang pumupuno ng ating buhay ng may pag-asa at lakas upang harapin ang mga sakit, kahirapan, at oo — maging ang kamatayan.

Ito ang misteryo kung saan ang ating buong pananampalataya ay umiikot. Ito ang pinakabuod ng mabuting balita na ating ibinabahagi. At ito ang maluwalhating talata ng aklat ng Pahayag na siyang daungan ng ating pananampalataya, ito ang ang giya na nagtuturo sa araw ng pag-asa na ating pinkahihintay kung saan ang pagtangis, kalungkutan at sakit — lahat ng ating mga karimlan at paghihirap ay nakaraan, lahat ng mga kahirapan at kahungkagan ng ating mga kaluluwa — ay nakalipas na. Maaari nating maranasan ang panlupang kamatayan bago ang maluwalhating araw na iyon ngunit sa araw na iyon ay wala nang kamatayan.

Ating pag-isipan ang patungol sa kamatayan at alalahanin ang biyaya ni Kristo, ang pag-ibig ng ating Dioys Ama, at ang kapangyarihan ng Espiritu na siyang gagabay sa atin sa huling araw na iyon"
So think about death, and when you do, remember the grace of Christ, the love of the Father, and the power of the Spirit who will guide us to that final day “walang kapintasan na may malaking galak sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian. (Jude 24).”

by @dandrawnwords
Translated by @faith_sketches
Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering

More

Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com