30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
"Natutunan niyang sumunod mula sa mga bagay na kaniyang tiniis."
Hebreo 5:8 SND
Alam na alam ni Hesus anuman ang iyong pinagdaraanan. Madali para sa atin na isipin dahil Siya ang Anak ng Diyos, hindi Siya nahirapan na sumunod, na madali para sa Kanya ang gawin ang inuutos ng Diyos Ama, hindi ba? Pero and katotohanan, sinuko Niya ang kanyang walang hangganang kapangyarihan upang magkatawang tao. Nanalangin Siya sa Ama ng may pagtangis at pagluha na Siya'y iligtas Niya (Hebreo 5:7). Tatlong beses Niyang hiniling sa Diyos Ama na alisin sa Kanya ang saro at gumawa ng iba pang paraan, ngunit hindi iyon pinayagan ng Diyos Ama. Tayo din madalas ay humihiling sa Diyos na alisin sa atin ang saro ng paghihirap. Kung minsan Kanyang pinapayagan ito ngunit madalas ay hindi. Sa halip na magkaroon ng kapaitan o magalit sa Diyos dahil sa hindi Niya pagsagot sa iyong mga panalangin, alalahanin mo na si Hesus ay natuto mula sa mga bagay na nagdala ng paghihirap sa Kanya. Naintindihan ni Hesus na ang pagsunod sa kalooban ng Ama ay mas mahalaga kaya sa Kanyang kaginhawahan. Kanyang pinili sumunod. Si Hesus ang ating halimbawa na dapat nating tularan sa Kanyang mapagpakumbabang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Iyon ang uri ng pagpapasakop na magsasanhi ng ating paglago. Purihin ang Diyos kay Hesus na ating Dakilang Pinakapunong Saserdote na tumutulong sa ating mga kahinanan dahil Siya mismo ay nakaranas ng gayon. Siyang nagbibigay kaawaan at biyaya sa oras ng ating pangangailangan (Hebreo 4:15-16) Salamat, Hesus, sa iyong pagpapasakop na danasin ang mga matinding paghihirap at sa Iyo kami ay makakatagpo ng pag-asa.
by @krystalwhitten
Translated by @faith_sketches

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com