30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa
Ang pagdurusa ay nagbubunga ng pagsisikap.
Roma 5:3
Una sa lahat, hindi ako yung tipong matiisin sa gitna ng pagdurusa, sakit, o paghihirap. Maririnig mo ang aking daing dahil sa pamamaga ng kalamnan pagkatapos ng isang pagsasanay. Pero iyon naman talaga ang nararapat. Alam ng bawat atleta na upang maging mas mabilis, mas mahusay, at mas malakas, kailangang yakapin o tanggapin ang kaakibat na sakit. Ang pamamaga ng iyong katawan ay tanda ng muling pagbuo ng iyong kalamnan, at iyon ay isang mabuting bagay!
Ang pananampalataya ay parang kalamnan, at pareho ang pinahihiwatig nito -- na ang buhay ay puno ng pagsasanay. Ang sakit na dulot ng mga pagsubok na ito sa buhay mo ay may kakayahang palakasin ang iyong pananamapalataya katulad ng dulot ng pamamaga sa kalamnan pagkatapos ng isang pagsasanay.
Kahit ano pa man ang iyong pinagdaraanan, kahit anong bagyo ang iyong nararanasan sa buhay, tandaan mo na ang iyong pananampalataya ay maaaring lumago sa gitna ng lahat ng ito. Kumapit ka sa Diyos, hayaan mo Siyang pagtibayin ang iyong pananampalataya sa gitna ng hinagpis, at maging matiisin ka sa buong proseso. Kapag tayo ay may pinagdaraanang mahirap sa buhay, madalas ay wala tayong magawa sa pamamagitan ng ating sariling kakayahan kundi ang maging matiisin at magtiwala sa Kanya.
Anong mga pagsasanay sa iyong pananampalataya ang pinagdaraanan mo sa ngayon?
by @stefankunz translated by @kaybeenotes

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering
More
Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com