Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Halimbawa

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

ARAW 2 NG 30

Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin. Matthew 5:4 NIV

Pag-aalo sa oras ng pagluluksa! Noong 14 years old pa pa lang ako,sa kaligtaan ng gabi, tumawag yung boyfriend ko at inaming may hinalikan siyang ibang babae. Noong nagpapaliwanag na siya, bigla ko nalang ibinaba yung telepono, at umiyak ako nang umiyak. Nagdurugo ang puso ko – ang sakit sakit na umabot na sa punto na nasasaktan na ako. Kamakailan, nahanap ko yung journal nung mga panahong iyon na nakasulat “Hinding-hindi ko na papayagan na masaktan ako ng iba na katulad nito.” Anong gagawin ba natin kapag nasaktan tayo o na-disappoint tayo o nakaranas ng pighati? Sa Matthew 5:4 pinapangako sa atin ang pag-alo sa mga taong nagluluksa. Ang “pagluluksa” o “mourning” sa Greek ay “penthos” na ang ibig sabihin ay panlabas na ekspresyon na kung anong nilalaman ng kalooban. Ibig sabihin nito ay hindi natin dini-deny ang sakit na nararamdaman natin o di kaya hindi ito tinatago. Phew. Pero ayoko ng masaktan pa! Kung pinapakita ko na nasasaktan ako, diba parang pinapakita ko na rin pwede nilang gawin kahit ano sa akin? Ayoko ng ganun. Sa loob ng maraming taon kinimkim ko lahat ng puot at sakit sa puso ko. At isang araw, kahit sa maliit na bagay, sumabog na lang; Hindi ko na kayang magpanggap. Ngayon natututo na akong maging tapat sa sarili ko -unti-unti – kahit sa mga taong nanakit saken. Hindi ibig sabihin na ako ay magiging “whining whinger” (sa German eto yung “Trauerkloß” na ibig sabihin ay “moaning dumpling”), yung nagsasabi sa lahat kung ano ang mga hinanakit ko sa buhay na pwedeng makinig. Hindi ito nakakatulong. Kundi ito yung pag-process ng ating hinanakit sa tamang paraan – na posible lang ito kung tatanggapin lang natin sa ating mga sarili na nasasaktan tayo at kailangan natin ng lunas – na lumapit kay God na gustung-gusto tayong aluhin at makahanap ng tao na kaya tayong tulungan. Nai-imagine ko na malaking step ito para sayo. Ang tagal mo ng hindi nagluluksa sa pagkawala ng iyong magulang, sa pagloloko ng iyong partner, sa malalang sakit, o sa kalungkutan, at ikaw ay nanatiling matatag at hindi umaasa sa iba. Pero alam mong merong hindi tama. Kaya ito ang tanong ko sayo – Mas importante pa ba ang magpanggap na masaya kaya at namumuhay na maayos kaysa sa ma-experience yung totoong kasiyahan at kalayaan sa puso mo? Sa mga panahon na pinapakita natin ung mga masasayang highlight at mga ngiti sa social media, naway hindi natin hangarin na magpanggap kundi maging authentic sa mga sarili natin at sa iba. Naniniwala akong makikita natin ang paghihilom at totoong blessing sa ganitong paraan. At naniniwala ako na mahaharap mo ang hinanakit at pighati sa puso mo. Nagdala ako ng madaming pack ng tissue para sayo kung sakali at ang din confetti at streamers ay nahihintay lang dito para sayo.

by @ninastrehl

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa pamamagitan ng 30 artists. Kaya't kung ikaw ay isang "letterer" o hindi, ito pagbabasa plan ay hamunin, suporta at kaginhawaan sa iyo. Kumuha ng inspirasyon sa pamamagitan ng iba letterings at mga nilikha sa pamamagitan ng pagbisita sa hashtag #30daysofbiblelettering

More

Nais naming pasalamatan ang 30daysofbiblelettering para sa planong ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin: www.30daysofbiblelettering.com